"Mr. Herrera, your wife is alright. You have nothing to worry about, although may konting gasgas lang siya sa may siko, but still she is fine," paliwanag ng doktor na sumuri sa asawa niya nang dalhin ito sa malapit na ospital para ipatingin. "Thank you, Doc," pasalamat niya sa doktor ang sinulyapan ang asawa na nanatili pa ring nakaupo at nakayuko ang ulo. "Pwede na kayong umuwi para makapagpahinga na si Mrs. Herrera. Na shock lang siya marahil sa nangyari,' saad pa ng doktor sa kanya. Tumango naman siya rito at nilapitan na ang asawa na kanina pa walang kibo sa kanya. Hindi nga niya alam kung ano ang nasa isip nito. Dahil sa nangyari sa asawa agad na silang umalis sa bar kanina bago pa tuluyang magkagulo. Hindi na niya nadatnan roon si Vice Governor, dahil dinampot na raw ito ng mga b

