"Kuya huwag!" Sigaw niya nang makita ang malakas na pagsuntok ng Kuya Charles niya kay Mayor Alcantara. Tumama ang kamao ng kapatid sa mismong mukha ni Mayor at tumilapon pa ito at bumagsak sa damuhan. "Harold," tili niya sa pangalan ni Mayor Alcantara habang hindi niya malaman kung ano ang gagawin "Walanghiya ka! Pati bata papatulan mo!" Sigaw ng Kuya Charles niya at akmang susugurin muli ng kapatid si Harold nang tumakbo siya at iharang ang katawan para hindi na makalapit pa ang kapatid kay Harold. 'Kuya tama na!" Sigaw niya rito. "Umalis ka diyan Bettina!" Galit na sigaw ng Kuya niya at hinila siya nito sa braso at tinulak palayo kay Harold. "No, Kuya,!" Hiyaw niya sabay takbo palapit kay Harold na nakaupo pa rin sa damuhan habang putok na ang labi nito at dumudugo. "Are you ok, H

