Panay ang sulyap niya kay Bettina habang nakasakay na ito sa passenger seat ng sasakyan niya at patungo na sila sa bahay ng mga magulang niya. Nakailang buntong hininga na rin siya habang nasa biyahe. Hindi naman sa naiinis siya kay Bettina dahil hindi nito sinuot ang dress na napili niya para rito. Wala kasi siyang nagawa nang magpalit ng ibang dress si Bettina sa mismong shop kung saan niya ito dinala. Pinagsabihan naman niya ito na isuot kung ano ang pina ready niya sa shop, sadya namang matigas ang ulo nito at umiral ang pagka pilya at spoiled brat nito. Na warningan naman siya ng Mr. Mendoza sa kung ano ang pag-uugaling meron si Bettina, nasabi sa kanya ni Mr. Mendoza na may pagkapasaway ang bunso nito at sasakit lamang ang kanyang ulo. Sa dami ng warning sa kanya ni Mr. Mendoza lah

