Ngayon gabi na ang special dinner na sinasabi ng Daddy niya sa Ate Juliet niya. Special naman talaga dahil hindi ang Mommy niya ang naghanda ng dinner, nag hire ang Daddy niya ng chef, at hindi lang basta chef as in kilalang chef at mataas ang talen fee. Ginawa iyon ng Daddy niya para sa nag-iisang bisita nila na si Mayor Alcantara. "Bettina," tinig ng Ate Juliet niya sa labas ng pintuan ng kanyang silid. "Pasok Ate," saad niya at pumasok na sa loob ang kapatid na bihis na bihis na rin. Napakaganda at elegante ng kapatid sa suot nitong silk long dress. Nag ayos rin ang kapatid ng buhok at nag make up ng mukha, kaya naman lumutang ang ganda nito. 'Wow, Ate Juliet, you are stunning,' puri niya sa kapatid. "Really?" Nakangiting saad ng kapatid sabay ikot pa sa harap niya. "Superb, Ate,'

