"Bakit hindi ko nakikita si Bettina?' Bulong na tanong sa kanya ng Mommy ni Bettina nang magsimula na ang event, kahit siya ay hindi pa rin niya nakikita si Bettina sa upuan na naka reserved para rito. Malinaw naman ang instructions niya rito at pati sa driver na naghatid rito. "Baka nasa crowd po at hindi naupo sa seat niya,' tugon niya rito. Tumango naman ito sa kanya. Isa-isa ng tinatawag ang mga nanunumpa at hindi pa rin niya nakikita si Bettina sa crowd at wala rin ito sa upuang pina reserved niya para rito. "Bakit wala yata ang bunsong anak ni Vice Mayor?' Tanong sa kanya ng Papa niya na katabi niya sa upuan sa may harapan kung saan naroon rin ang Mommy niya at si Krisha. Walang siyang idea na sinama pa rin pala ng Mommy niya si Krisha kahit sinabi na niya sa dalaga na iba na siy

