"Si Kian po ba ang tumawag Manang Lucita, tinatanong po ba niya kung narito na ko sa bahay?" Tanong niya sa kasambahay matapos may tumawag rito sa cellphone at kausapin ito sa di kalayuan niya habang kumakain ng tanghalian sa komedor. Maraming pagkain ang nakahanda kahit na siya lang naman ang kakain, mukhang sadyang pinalutuan siya ng pagkain ni Kian kay Manang Lucita para sa kanyang pagdating. Sayang nga lang at wala ito para sabayan siyang kumain. "Ah.. Eh.. Si Sir Kian nga po, may iniuutos," tugon ni Manang Lucita sa kanya. Walang naging komento sa tanong niya kung tinatanong siya ni Kian. "Ano po iyon Manang?' She asked. "May naiwan daw po kasing papeles si Sir sa opisina niya sa silid niya, at kailangan po niya iyon ngayon sa kompanya,' paliwanag sa kanya ni Manang Lucita. "Ihah

