Mabilis na lumipas ang isang linggo mula ng makabalik na sila ni Amanda sa San Nicolas. Dala na rin ng nangyari sa asawa hindi na muna niya ito pinapapasok sa university sa bahay na muna ang mga lesson nito. Personal niyang kinausap ang mga professor ng asawa para sa hindi muna pagpasok ng asawa at pinayagan naman siya ng mga ito na mag online class na lang muna ang asawa. Alam niyang kumalat na sa buong San Nicolas ang nangyari sa asawa niya, kaya mas lalong hindi makakabuti rito ang lumabas-labas muna, lalo na sa university kung saan tiyak na maraming mam bu-bully sa asawa niya. Nakaharap na rin niya ang Dean ng university at agad niyang sinabi sa CEO ng university ang nangyaring paglabag ng Dean sa protocol ng university at sa kaligtasan ng mga estudyante. Hindi naman siya napahiya dah

