CHAPTER 16: Melted.
Atilah's Point of View.
Nagising nalang ako dahil sa mabigat na kung anong nakapatong sa kamay ko. Kukusutin ko sana ang mga mata ko ng makita kong nakahawak ang isang kamay ni Ash sa kamay ko at ang isang kamay niya at may hawak na ice pack. Doon ko lang napansin na may malaking pasa ang wrist ko at medyo namamaga ito. Tsaka ko lang naalala ang nangyari kagabi. Damn. He saved me.
"Breakfast?" Nagulat nalang ako ng bigla akong tanungin ng itlog na to. Gising na pala.
"Ah.." Bago pa ko makaisip ng palusot pinigilan na niya ko.
"You cant say no. Stay here magpapahanda lang ako ng breakfast." Aangal pa sana ako pero tulad ng kanina di na niya ko hinayaan makapag salita at nagmadali na siyang lumabas ng kwarto.
For the second time. He saved me. Gusto kong magalit sakaniya. Gusto kong kamuhian siya o kaya siya tong magalit sakin. Ayoko ng ganito eh. Ayoko ng pinapakita na mahina ako. That gives them a chance to play with you lalo na pag alam nilang mahina ka. Since i broke up with Alex, Naging matapang na ko. Even though deep inside duwag ako.
Ayoko na ganito si Ash sakin. Pano kung may kapalit lahat ng to? Pano kung mahulog ako sakaniya? Kaya ako umiiwas kasi di ko na maitanggi sa sarili ko na may posibilidad na mahulog ako sakaniya. To think na siya yung tipo ng lalaki na hindi kuntento sa isang babae? Araw araw may ibang kasama, Oras oras may kalandian.
I cant fall in love with a guy like him! I cant and i dont want to. Kaya nga umiiwas na ko, trying to ignore him and forget that i know him. Yung pinapakita niya sakin ngayon? Malay ko ba kung kasama to sa plano niya kung pano pumick up ng mga babae niya? Trying to act like he's your hero.
Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko at...Napansin ko ang suot ko at kinilabutan ako...WTF?! Bakit ganito ang suot ko?! Asan yung damit ko?! Did he...? Did we...?! Napatili ako dahil sa mga negatibong naiisip ko.
"AAAAAAAAHHHHHH!!!!!" Malakas na sigaw ko. Wala na akong pakielam kung makabulabog ako basta hindi to maari!!!
"What the?! Whats wrong?! bakit ka sumisigaw?!" Biglang pasok si Ash may dala dala pang spatula. Gulat na gulat siya at hindi maintidihan ang gawin. Natataranta. Well mataranta talaga siya!!
"BAKIT IBA NA SUOT KO?! PINAGSAMANTALAHAN MO KO NOH?! SINAMANTALA MO NA LASING AKO!! Walang hiya ka!!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya. Who cares kung masktan siya!? Virgin ako! Hindi pwede to!!
"What are you talking about?!" Nakaekis ang mga braso niya sa dibdib niya at sinasalag ang bawat suntok ko.
"Kunyare di mo alam?! Gag* ka! Pinagsamantalahan mo ko! Virgin ako Ash virgin ako!" Napatigil nalang ako ng biglang may pumasok sa kwarto.
"What is the meaning of this?!" Mariin na tanong ng lalaking nasa mid 50s na ang edad. Namutla ako at naestatwa sa kinakatayuan ko. Who is this man? Pero wait parang nakita ko na siya..
"Dad its not what you think!" Sigaw ni Ash at umayos ng tayo. Ako din inayos ko ang sarili koat natameme nalang. Pamilyar ang lalaking to sakin para bang nakita ko na siya dati. Teka?! Dad?! Dad siya ni Ash?! Doon namutla na talaga ako pakiramdam ko para akong yelo na natunaw. Nakakahiya!!
"What did you do now Ash?!" Seryosong tanong ng ama niya.
"Nothing Dad. Tinulungan ko lang si Atilah kasi nalasing siya kagabi pero hindi ko siya pinagsamantalahan!" Depensa niya sa sarili niya.
"Bakit iba na suot ko?!" Ginulo niya pa ang buhok niya at naiinis ang itsura. Ako ng dapat mainis dito eh!
"Inutusan ko yung mga katulong na palitan yung damit mo at punasan ka para mapreskuhan ka dahil lasing na lasing ka!" Natahimik ako sa sinabi niya ganun din ang dad niya.
"Um ma'am totoo po iyon ako po nagpalit sainyo. shorts ko pa nga po ang suot niyo" Singit ng isang katulong na nasa likod ng dad ni Ash.
Shit..namula ang muka ko im sure muka na kong kamatis nito. Masisisi niyo ba ko? kilalang casanova si Ash. Sa dami ba naman ng babaeng nakakama niya masisisi niyo ba kong di siya pagisipan ng ganon?! Phew! Ligtas ang p********e ko.
"Well...Lets have some breakfast. Come with us ms..?" Mahinahong tanong ng dad ni Ash. Gwapo din ang ama niya kamukang kamuka niya.
"Atilah po. Atilah Palvin" Nanlaki ang mga mata niya at lumapit sakin. Hala..mas nakita ko ng malapitan ang muka niya im sure nakita ko na siya noon! di ko lang maalala kung saan.
"Palvin? Father mo si Joseff?" Nakangiti niyang tanong sakin. Now i remember him!
"Opo daddy ko po siya. Kayo po ba yung kasama ni dad lagi sa golf?" Tumango siya at nginitian ako ganun din ang ginawa ko. s**t! Then i realize..Damn! baka makarating to kay dad!!
"Tara na nagugutom na ko. Dad later na yan im sure Atilah's hungry too." Tumango muli ang dad niya at sabay sabay na kaming puntasa hapag kainan.
------
"ANO?! DALAWANG BESES KA NA NAKAPUNTA KILA ASH?! DALAWANG BESES KA NA DIN NIYA NASAGIP SA KAMALASAN NG BUHAY MO?!" sigaw pa sakin ng bakla kong kaibigan na si Calvin.
Hindi ko din gusto yung ganito! Im strong! I hate men! lalo na ang tulad ni Ash! And im heartless! i must be heartless! My heart is cold but i cant freakin deny that now because of Ash my cold as ice heart is melted! Hindi pwede to!
i cant be in love with the bad boy?!