Here you are now, calling me up, but I don't know what to say
I've been picking up the pieces of the mess you made- T.Swift
“Himala, ngayon lang kita nakitang nagkasakit.” Sinamaan ko lang ng tingin si Ellese ng sabihin niya yun. Kahit ako rin hindi ko rin expected hanggang natuloy ang dapat sakit sa ulo lamang na naging lagnat. Pinipilit pa akong pumunta ni Nancy sa ospital pero hindi ko siya hinayaan. Halos dalawang araw rin ang tinagal ng lagnat ko.
“Hindi kami sanay lalo pa’t hindi kita naririnig na nagdadaldal.” Segunda naman nitong si Jhoanne. Medyo may sinat pa ako pero hindi malala gaya ng kahapon. Dahil ayokong pumunta sa ospital kaya si Nancy na lang ang nagpapunta rito ng doktor. Maganda na rin iyon para less issues nanaman. Nagsisi nga ako sa sinabi ko na sana nandito ang mga kaibigan ko para may makausap ako, ngayong nandito na sila gusto ko na sila palayasin dahil sa mga pinagsasabi nila. But deep in side namiss mo talaga sila. Ani naman ng konsensya ko.
“I cook some vegetable porridge for you, kainin mo na yan para mabilis kang gumaling.”- May inilapag naman si Gette. Tinignan ko naman ang ibigay nito pero ewan ko ba parang akong naduduwal sa nakikita ko. Iba kasi ang pagkaka-imagine ko, paano ba naman kasi puro green and yellow ang nakikita ko alam ko namang gulay ito pero kasi errrr. “Alam mo ang dali mong mabasa, edible yang kainin hindi kita lalasunin.”
“Alam ko, it’s just that.. the texture.”
“Don’t just look at the surface.”
“Fine, I know I trust you.” Tinikman ko naman muna at tama nga ito. Don’t judge a food by its cover ika nga.
“See I told you.”
“The best ka talaga, Gette. Mabuti ka pa may care saakin yung iba kasi diyan nagpunta lang dito para makitsimis ng buhay ko.”
“Pinariringan mo ba kami?”-
“Bakit natatamaan ka?”
“Hoy, FYI paki naman namin kung anong nangyayari sa buhay mo lalo na sa lovelife mo.”-Ellese, sasagot pa sana ako ng naunahan akong magsalita ni Camilla.
“Hayan na, magaling na po si Era dahil nakikipagbangayan na siya. Effective ang pinakain mo Gette.” Nagtawanan lang ang mga ito kaya inirapan ko silang lahat.
“Lumayas na nga kayo sa kwarto ko, magpapahinga na ako.”
“Umiiwas ka lang sa topic. Feeling ko kasi may koneksyon yung pagkakasakit mo sa lovelife mo.”- Joanne
“Yan ba yung tinatawag na love sick girl? Literal. ” Sasabihin ko na ba sakanila? Iniisip ko palang naiiyak na ako. Hindi ko alam kung bakit nagiging emotional ulit ako. Naalala kong sabi ng doktor masyado ko ng inistress ang sarili ko kaya raw unti-unting bumigay na ang katawan ko dahil sa pagod. Pinayuhan pa niya ako na lumayo raw ako sa source kung saan ako naiistress.
“Pagpahingain niyo muna si Era. Saka na kayo makitsimis kung magaling na siya.” Sabi ni Gette na para bang nanay ito. Although, siya talaga ang nanay at leader sa grupong ito. Alam niya at nararamdaman niya kung hanggang saan lang dapat ang boundaries naming lahat. Kaya alam niyang hindi pa ako prepared sabihin ang gusto nilang malaman. Nag-unahan naman ang mga itong lumabas at si Gette ang nahuli. Ngumiti lang ito na parang sinasabing naiitindihan niya kaya nagpasalamat ako sakanya.
*******************
*******************
“Did you tell him what happened to you?” Her expression is filled with concern. Siya lang ang pinagsabihan ko hindi dahil sa wala akong tiwala sa iba pero hindi ko pa kayang sabihin ko mas tamang sabihin na hindi pa confident.
“Para ano pa, Gette? Kung sinabi ko ba ang kalagayan ko darating ba agad siya rito? Mas kailangan siya ngayon ng best friend niya. Naiintindihan ko naman pero hindi ko lang maiwasang masaktan.” Matamlay na sagot ko.
“Tumawag na ba siya sayo?” umiling lang ako bilang sagot. Napabuntong hininga lang ito at tinignan ako na parang naghahanap kung anong sasabihin.
“Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila pero kailangan bang ako na lang parati ang iinitindi?”
“Kailangan niyong mag-usap,as soon as possible. Ngayon, maraming gumugulo sa isip mo nakikita ko sa mga mata mo yun but first, you must hear him. Probably he has a reason, wag kang gagawa ng desisyon na pagsisihan mo.” Sa totoo lang nablablanko na rin ang isip ko. Naguguluhan na ako. Tama pa ba itong ginagawa ko?
Nakatingin lang ako sa balita habang nakikinig kung saan sila ang laman ng balita at sila ang bida. It says there na umalis silang dalawa ng bansa dahil may nangyari pala sa papa ni Eliza. Sa kasamaang palad namatay na ito kaya pala nagmadali itong umalis nung isang araw sa taping. Kung hindi pa ako nagbukas ng tv ngayon hindi ko malalaman kung nasaan si Sage.
“Nagriring ang phone mo, baka siya na iyan.” Napatingin naman ako kung saan ang phone at tama nga ito. Pero bakit ganun hindi tulad ng dati na kapag tumatawag siya excited akong sagutin, ngayon parang wala na akong gana. Matamlay na inabot ko ang phone at sinagot ang caller nito. Hinintay kong ito mismo ang unang magsalita.
“Thank god, you answered. I’m sorry ngayon lang ako nakatawag may urgent na nangyari kaya nawala na sa isip kong sabihan ka.”
“Yeah, I know nabalitaan ko nga sa tv.” I sounded sarcastic pero ewan ko ba wala na rin talaga akong gana. Kung hindi pa binalita baka hindi ka pa tatawag gusto kong idadag. Maybe this not the right time to talk to him, dahil baka kung anong masabi ko pang masama.
"Again, I'm sorry. You sound like you're not feeling well; I'll keep you updated. Take care of yourself. When I return, we'll talk in person."
“Yeah, I need to talk to you also.”
“I Love you, Era.” Natahimik naman ako ng ilang saglit at pinapakiramdaman ang sarili pero nahimasmasan rin ako. Napakagat na lang ako ng ibang lalabi ko bago nagpaalam ayokong marinig niyang humikbi ako.
“Bakit umiiyak ka? May sinabi ba siyang masama sayo?” Nag-aalalang saad ni Gette. Pero lalo lang akong naiiyak. Sinabing masama? Hindi ko alam pero sa nararamdaman ko masama at masakit.
“Natatakot ako Gette.” Niyakap ko naman ito habang nararamdaman kong hinahagod nito ang likod ko. “I'm afraid I might lose my love for him.” Unlike before, I feel nothing when he says those words. . Para na akong namanhid.