I don’t like the way she’s looking at you
I’m starting to think you want her too – Nick Jonas
“Bakit ba kasi kasama pa ako?” nakakunot na sabi ko. Papunta kami sa airport ngayon para sunduin ang kanyang Best friend kuno. Well, hindi naman ako tutol kung susunduin niya ito pero yung kasama pa ako hindi man lang ako naabisuhan at hinila ako ng hindi ako prepared ayoko pa naman sa lahat ay lalabas ng hindi nakaayos. Dahil rest day ko ngayon tapos bigla ba naman akong inaya na lumabas kaya akala ko sa labas para kumain. Simpleng croptop and short with matching sneakers nagdala rin ako ng facemask, sunglass and cap for disguise baka may makakilala saamin mahirap na. Tapos malaman-laman ko na airport pala ang punta namin dahil susuduin niya nga yun. Basta nakalimutan ko ang name.
“Nagpahila ka, kaya akala ko gusto mong sumama.” Katwiran nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Well, dahil akala ko magdedate tayo sa labas, kung sana sinabi mo ng maaga di sana hindi na ako sumama.” Katwiran ko rin.
“Hindi ka naman nagtanong.” Bw*sit meron talaga itong isasagot sa lahat ng sasabihin ko. Kainis!. Hindi na ako nagtanong kanina dahil akala ko yun talaga ang gagawin namin. Pero nagtaka na lang ako kanina ng nag-iba na kami ng way at papuntang airport na nga ang loko. Doon niya sinabi lahat. Hindi pa naman ako ready na makita ang Best Friend niya.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghintay doon basta pinili lang namin pagtambayan ay yung alam naming hindi matao baka pagkaguluhan kami lalo pa’t magkasama kami ni Sage. Kaya maingat kami sa mga galaw namin dahil ayaw naming pagpyestahan kami ng media. Wala namang problem saamin kahit malaman nilang kami pero ayoko ko lang kasi sa media masyado silang nakekealam at bawat galaw niyo nakatutok halos wala ng privacy. Hindi ko rin alam kung paano kami nakatagal sa ganung set-up namin ni Sage although may mga rumors na pero dahil mas mautak kami kaya hanggang gossip lang yun.
“There she is.” Nag-umpisa naman itong lumakad kaya naman nahuli ako. Tinignan ko lang ito kung saan papunta at meron itong nilapitang babae so I assumed na siya na nga yun. Hindi ko madescribe masyado dahil malayo ako sa kinaruruonan nila. Hihintayin ko na lang sila dito. Lumapit naman ang babae kay Sage halatang excited itong makita at yumakap ito nahalatang masaya hindi ko makita ang reaction ni Sage dahil nakatalikod ito pero alam kung masaya rin ito dahil gumanti ito sa pagkakayakap.
Okay lang saakin ang yakapan moments nila na iyon pero ng humiwalay ang babae kay Sage bigla niya itong hinalikan sa pisngi ewan para sa mga oras na iyon parang may mali. Hindi naman ako selosa masyadong babae madalas nga kapag kinukuyog ng fans si Sage ay hindi naiiwasang nahahalikan ito pero walang saakin yun pero ewan ba nung hinalikan siya ng babaeng ito parang may iba akong naramdaman. siguro dahil alam kong first love niya daw ito. Bigla para bang narinig ko ang boses ni Sam na sinabi saakin na ano hindi ka pa threaten? Kainis, bakit ganito na ako mag-isip.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi namalayang nakalapit na ang mga ito saakin kaya napagmasdan ko na ng mabuti ang Best friend nito. Masasabi kong maganda nga ito kahit nakasuot pa siya ng sunglass . Maputi rin, actually mas maputi ito saakin para bang pwede siyang ikompara kay Snow white sa sobrang puti at ang angelic rin ng mukha nito parang nakakatakot paiyakin. Samantalang ako akala nila parati raw akong may kaaway. Err, kailan ko pa naikumpara ang sarili ko sa iba?
"I assume you're Eraizha. ” nakangiting sabi nito saakin. “It's a pleasure to finally meet you." Nakibeso naman ito saakin kaya hindi ako naging aware sa ginawa niyang yun hinayaan ko na lang. Akala ko magkaheight lang kami ng lumapit ito pero napatingin ako sa ilang inches nitong heels. Samantalang hindi pa ako nito nakaheels. “Naikwento ka ni Sage saakin. Also, I am aware of your romantic history, and I must admit that it was unusual na babae ang magfirst move.” Nakatingin lang ako sakanya hindi ko magawang tumaas ang kilay ko dahil hindi ko alam kung nagkocomplement ba siya or nangungutya. Well, it’s partly true at hindi ko kinahihiya iyon. Pero hindi ko lang inanasahan na pati ang information na iyon alam niya ganun ba talaga sila kaclose.
“And you must be, Eliza?” hindi pa ako sure sa sagot ko. Ganun talaga ako hindi ako mahilig magmemorize lalo sa mga tao kaya hindi ko alam kung tama yung nabangit ko dahil kung hindi nakakahiya naman sakanya dahil siya mukhang kilalang-kilala ako. Mukhang napansin pa nito ng hindi ako sure at hindi ko alam para ba itong nadissapoint well hindi ko naman kasalanan kong hindi ko nga talaga siya kilala dahil hindi ko naman inaalala yung mga hindi importanteng tao. Pero bakit ganun may kutob ako na sa araw na ito hinding hindi ko na makakalimutan ang pangalan niya.
****************
“Ver, sa Paradise Hotel mo na lang ako ibaba doon ako magchecheck-in habang wala pa akong condo unit na nakukuha.” Rinig kong sabi ni Eliza. Nasa sasakyan na kami ng mga oras na iyon at kanina pa ito daldal ng daldal. Ako madaldal naman ako pero sa mga pili lang na tao at sa ngayon hindi ko mafeel ewan ko ba. Gusto ko namang makipagclose sakanya pero para bang may pumipigil saakin. Tama ba yung pagkakaintindi ko kanina na mukhang may endearment siya kay Sage or maybe nickname?
“Bakit sa hotel pa? Pwede ka naman pansamantala sa bahay. Nasabi ko naman na kina mommy na uuwi ka ngayon.”sagot naman ni Sage. Actually dakilang extra lang ang peg ko ngayon tamang makikisagap lang ako ng chismis sakanila.
“Wag na, nahihiya pa akong humarap sa magulang mo.” Sagot naman nito. Ako dedma lang kunwari may kachat ako at hindi ko sila pinapakialamanan. Chinat ko na nga lang yung PA ko para masabi may ginagawa ako. Ganun talaga ako pagnaout of place ako, kunwari may ginagawa ako para hindi nila malaman na OP talaga ako.
“Era, okay ka lang?” napatingin naman ako kay Sage nabinalingan ako saglit at tinutok uli ang mata sa daan dahil nagmamaneho ito. “You’re so quiet.”
“Oo nga, nakwekwento pa naman ni Ver na madaldal ka raw but it seems that his lying. Parang hindi naman.” Pagsang-ayon pa nito. Hindi ko ba alam kung sasabihin ko ba sakanya na hindi ko siya feel at ayokong kausap siya pero alam ko namang maooffend siya. So as much as I can ayokong magsalita ng kahit na anong against sakanya.
“I’m not feeling well kaya siguro hindi ko feel magsalita. I’m sorry for that.” Yah The least I can do right now is this. hindi ko siya natarayan. Remember Best friend siya ng boyfriend mo pero hindi ko rin maalis sa isip ko na first love siya. Ano naman ngayon? Ba ikaw ang present at magiging future. Yah, kumbinsihin mo ang sarili mo na ikaw hanggang huli.
“Nah, ayos lang marami pa naman ako time dito sa Pilipinas kaya marami pang time para makilala kita ng lubusan. Gusto kong maging magkaibigan rin tayo dahil wala akong gaanong kilala dito wala kasi akong mga kaibigan kahit pa noong nandito ako dati. So kung okay lang sayo.” sabi nito. Kahit nakangiti ito at mukhang anghel ang mukha nito bakit parang may iba sa mga titig niya. Hindi ko alam, hindi ako sure kung sincere ba siya sa sinabi niya pero ako rin gusto ko rin namang maging friends sakanya pero parang may pumipigil saakin.
"We shall see. I'd like to get to know you as well."Nakangiting sabi ko. Mukha naman itong tuwang-tuwa. Siguro nga It's not always true that the first impression is the last. Will look into that.