CHAPTER 3

1770 Words
Comparison is kilin’ me slowly- Olivia R. “Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na kasama ka pala sa project? Malalaman ko pa sa ibang tao.” And after a week ngayon lang kami nagkita or should ako pala ang pumunta sa Unit nila. Hindi naman ako galit ng sabihin iyon. I was signing another project today tapos biglang malalaman ko na kasama pala siya sa project na gagawin ko at ang malala pa makakatrabaho ko rin ang bestfriend niya. I just don’t know hindi ko siya maintindihan kung anong balak niya. “I was about to tell you. Hindi naman malaki ang role ko diyan. I'd like to try something else like this.” Pinaningkitan ko naman ito ng mata. Hindi ako kumbinsido at sa tingin ko kilala kung sinong nagkumbinsi sakanya. Hindi ko alam bakit bigla akong nainis dapat maging masaya na lang ako dahil kasama ko siya sa project na ito pero nangingibabaw ang pagkainis ko. To think na dati ko na itong sinasabi sakanya pero sa iba pala siya makukubinsi. “ Are you mad?dahil hindi ko agad sinabi sayo? I didn't expect it either; it was just that one of the casts was having problems, so they needed an actor right away, and Eliza recommended me to the director.” So, tama nga ako. “I know wala akong background sa pag-acting aside sa mga ginagawa naming music video kung matatawag mo yung acting nandiyan ka naman para tulungan ako di ba?”dagdag pa nito. Napairap na lang ako dahil sa sinabi nito. “Magpatulong ka sa best friend mo tutal siya naman yung nagrecommend sayo. Magworkshop kayong dalawa.” Sarkastikong saad ko. "Why do I get the impression you're not just sarcastic? You're behaving jealously, which is an improvement."Mukha natutuwang sabi pa nito. Kinunutan ko lang ito ng noo dahil sa mga sinasabi nito. Well, I will never admit that I’m jealous at sa bestfriend pa niya. “In your face.” Tumayo naman ako para sana umalis na. Naalala kong magkikita kami ng mga kaibigan ko hindi niyo ako masisi kong namimiss ko sila keysa dito sa boyfriend ko. “Aalis na ako, hinihintay na ako ng mga kaibigan ko” dahil pinigilan ako nitong tumayo kaya napaupo ulit ako sa tabi niya. “Pwede bang magstay ka muna rito. Wala akong kasama, masyadong boring dito sa Unit namin.” “Wow, kailan ka pa naboring dati naman ng boring ang buhay mo at wala kang pakialam doon.” Pang-aasar ko. Natawa naman ito dahil alam niyang totoo. Masyado kaya siyang tahimik dati na halos nagtatalo kami kung sinong tahimik sakanila ni Zephyr. Pero ngayon ewan medyo nag-improved na kaya nalaman naming hindi siya ang pinakatahimik sakanila. Yung isa kasi hindi talaga magsasalita kung hindi pa siya sinisita ng girlfriend niya magsalita. “Could you just stay here today? ” at dahil marupok ako at minsan lang ito magrequest pagbigyan natin ang loko. “Ano namang gagawin natin ngayon? “Ikaw, ano bang gusto mong gawin natin dito?” Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero bakit iba ang gusto nitong ipahiwatig. Kainis binibigyan ko ng malisya ang mga sinasabi niya. “Wala akong naiisip na pupuntahan.” “Wala rin ako sa mood na lumabas. Dito na lang tayo magkukulong.” Err, bakit ba iba ang naiisip ko. Napapigla naman ako ng biglang bumakas ang isang kwarto dito sa unit nila. Dahil nandito kami sa sala nila at iniisip ko talagang dalawa lang kami doon kaya impossibleng bumukas iyon ng mag-isa. Napatingin naman kami kung sino ang lumabas doon at walang iba kung hindi ang binabanggit ko lang kaninang pinakatahimik sa kanila. “Hey, bro. Aalis ka?” nakatingin lang kami kay Zephyr. Ewan ko ba, naiintimidate ako sakanya. Naalala ko minsan ng isinama siya ni Gette at siya lang ang lalaki naming kasama. Para hindi kami makakilos ayon sa gusto namin kasi feeling ko inuobservahan niya balak galaw namin at natatakot kami baka may masabi kaming mali. Yung aura kasi niya para striktong parent. Halos magkakaedad naman kami pero feeling namin ang layo ng age gap namin sakanya. Ewan ko kung ganun ang nafeel ni Gette sakanya. “Yah,I'll give you some privacy here..” Iniisip ba niyang may iba kaming gagawin rito? “Sige, ingat.” “I’ll go ahead. Era, ikaw ang mag-ingat dito.” Sabay alis nito. Hindi ko naman alam kong anog ibig nun sabihin. “Sira talaga iyon.” “Sabi mo wala kang kasama dito?” “Wala nga, kahit naman nandito si Zephyr parang wala lang iyon dito kasi parating nagkukulong iyon sa kwarto niya. Magdadaldal lang ata iyon kapag lasing at nandito ang girlfriend.” Natatawang sabi nito. I agreed. Mukhang pinagkakaisahan nila dito ang lalaking walang kamalaymalay. But I must say na his a good leader on their group. *************** Nagmamadaling lumabas si Sage sa unit nila ng makatanggap kanina ng tawag galing kay Eliza. Nakasunod lang ako sakanya habang siya ay malalaking hakbang ang tinatahak nito na kulang nalang ay takbuhin niya papuntang parking lot at makarating agad kung nasaan ang kaibigan. Hindi ko siya masisi kung ako ang nasa sitwasyon niya siguro, baka ganun rin ako kataranta. May tumawag kasi sakanya kanina at hindi lang basta number lang kundi mukhang galing pa sa payphone number. Nagtataka siya noong una dahil baka kung sinong manloloko pero kasi hindi naman kami basta-basta nagbibigay ng number lalo pa’t personal number niya iyon. Binabaan pa nga niya nung una pero sabi ko baka importante iyon kaya nung muling tumawag saka niya na sinagot then napag-alaman namin na si Eliza pala ang tumawag. So nagsisi tuloy ako na sabihing sagutin niya. Just kidding. Nalaman namin na lumabas ito para mamasyal kaya lang siguro minanmanan siya kaya hayun nanakawan, lahat ng gamit niya even her phone ay kinuha. Buti nga hindi kinidnap. Ewan ko ba kung anong naisipan rin ng babaeng iyon. Siguro kong kaibigan ko lang din yun babatukan ko siya at sasabihing tatangatanga. “Ang bagal mo.” Sabi ni Sage ng makarating kami sa parking. “Mabilis ka lang maglakad kitang nakaheels ako.” Sabat ko naman at sinimangutan ko ito. “Siguro naman hindi aalis yung kaibigan mo sa lugar na iyon.” “Natatakot ako baka may gawin nanaman iyon na kabaliwan halos makapareho kayo ng ugali pagdating sa pagiging careless and troublesome.” Tsk, kinumpara pa ako sa tanga niyang kaibigan samantalang pinag-iisipan ko lahat ng ginagawa ko, hindi ako careless at troublemaker. Parang may gusto na tuloy akong itawag sakanya. Hahahhahaha. Infairness ang layo rin pala ng napuntahan ng kaibigan niya balak ata nun libutin ang buong Metro Manila. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa sa isip ko dahil sa katangahan niya. "Don't laugh at her situation; she might be scared right now, or worse, she may already be traumatized."Seryosong sabi nito kaya pinigilan ko naman ang pagtawa. Yah, siguro nga pero hindi pa rin maalis ng shunga pa rin siya. “Natatawa lang kasi ako alam naman niyang hindi safe dito sa city tapos ganun pa ang ginawa niya. Hindi ba niya naisip iyon.” “Di ba sinabi ko sayo na careless siya ewan ko rin kung anong pumasok sa isip niya. Sa Vigan kami lumaki kaya hindi niya alam na may ganung masasamang tao siguro at baka inisip niya tulad ng mga tao sa probinsya namin na halos ng mga nakatira doon mababait.” “So sinasabi mong masasama ang mga tao dito sa city dahil dito ako pinanganak.” “Tsk, hindi ko ginigeneralize okay hindi ko naman sinabing mababait rin lahat ng tao sa probinsya namin ah. Ikaw naghahanap ka lang ng mapag-aawayan natin.” Napairap na lang ako dahil alam ko namang hindi ako mananalo sakanya. *************** Kasalukuyang pauwi na rin kami. Walang may gustong magsalita saamin pati ako nadadamay ewan ko ba sa magkaibigan ito. Kanina ng makarating kami kung nasaan si Eliza nag-away na sila and I hate the thoughts na nag-aaway sila na parang may namamagitan talaga sakanila. Natigil ang pagtatalo na mukhang alam ni Eliza na hindi siya mananalo kaya binuksan nito ang passenger seat at mukhang hindi ito aware na kasama ako ni Sage dahil sa gulat na nakaupo ako sa dapat uupuan nito pero wala itong nagawa at lumipat ng back seat. “Pupunta tayo sa police para ireport ang nangyari.” Biglang salita ni Sage, kaya napatingin kaming pareho ni Eliza sakanya. Akala ko wala ng gustong magsalita pa. “Sinabi kong hindi na di ba. Baka may makaalam na media ayokong maheadline.” Sagot naman ng isa. “Anong gusto mo, ipagsawalang bahala na lang? walang mananagot sa nangyari?” Halatang nagpipigil naman ng galit si Sage. Medyo natakot sa pag-akto ni Sage dahil parati itong kalmado at mahinahon. “May point rin si Eliza, baka pagnereport natin ito lalo pang lumala at madamay pa ang carrer niya.” komento ko naman. “Tsk, sana naisip mo na yan bago ka gumawa ng pagsisihan mo.” "Look, I'm sorry okay, I've already learned my lesson, and I assure you it won't happen again. Ako na lang mag-aayos nito sasabihin ko sa manager ko ang nangyari.” Hindi naman na sumabat si Sage. “And sorry rin, mukhang may lakad pa pala kayong dalawa nakaabala pa ako. Sorry, Era.” Paumanhin nito. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Sage na magsalita. “Wala iyon, nagkita lang kami ni Era dahil may pinag-usapan kami.” Walang ganang sabi nito. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya dahil aalis naman dapat kami kung hindi lang tumawag ang Best friend nito tapos sasabihin niyang wala lang. Bigla tuloy akong nainis. Errrrr. “Ah, ganun ba. Mabuti na lang hindi ako lalong maguguilty kung nagkataon.” Hindi na lang ako umimik dahil hindi ko nagugustuhan ang nangyayari. Sana talaga nakipagkita na ako sa mga kaibigan ko. “Siya nga pala, Era. Hindi ko alam kasama ka pala namin sa gagawing bagong project na movie. Congratulations for getting the leading role." “Yah, hindi ko nga rin inaasahang kasama rin pala kayo ni Sage.” Pagpaparinig ko “Kaya nga buti na lang napapayag ko si Sage.” Nagpantig naman ako teynga ako sa sinabi nito. “Hindi kasi ako matitiis ng mokong na ito.” At ginulo nito ang buhok ni Sage mula sa likuran. Tinignan ko naman si Sage kung magagalit bagkus para pa itong natatawa. Napabaling na lang ako sa labas ng bintana. Maraming pumasok sa isip ko na hindi ko maintindihan at maexplain sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD