EPISODE 1.

3612 Words
“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 1. Kasalukuyang nakahiga ang dalawang tao sa kama. Nakatihaya ang babaeng nakakumot habang nakatalikod naman sa gawi niya ang lalaki. "Aaarrrgggh ang sakit ng ulo ko." Daing ng babae na nagngangalang Jasmine habang nakapikit at sapo ang ulo. "Oh, shut up!." Angal naman ng katabi niya kaya bigla siyang napamulat ng mata. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? At bakit wala kang dami---." Sigaw niya sa lalaking katabi niya at namimilog pa ang mata. Pero napatigil siya sa pagsasalita nang makitang walang kahit anong saplot ang katabi niyang lalaki. Nakatalikod ito sa kanya kaya kita niyang hubo ito. "AAAAAAHHHHHH!!!." Malakas niyang sigaw ng tingnan niya ang kanyang katawan na balot ng kumot. Wala din siyang kahit anong saplot sa loob ng puting kumot. "Oh my GOD!!! Anong ginawa mo sakin? Ba-Bakit mo ako.. Arrrhhhh.." Umiiyak niya ng saad nang marealize niyang wala siya sa kanyang kwarto at may nangyari pa sa kanila. Mahigpit niya ring hinawakan ang kumot upang itakip sa kanyang sarili. Biglang nagising at napaupo naman ang lalaki na nakakunot pa ang noo. Nakatalikod pa rin ito sa kanya at nagkakamot ng ulo out of frustration. "What an annoying woman! Pwede ba wag kang umiyak! As if you didn't liked it!." Nayayamot pa nitong saad sa kanya. "Hindi talaga! Dahil bukod sa nakainom ako ay hindi kita kilala! Walang hiya ka! Saka pwede ba, magdamit ka!." Naiinis namang sagot ni Jasmine na pilit pinipigilan ang pag-iyak. Agad namang kinuha ng lalaki ang damit niya at isinuot habang siya ay napatakip ng mukha at sige sa pag-iyak. "Will you shut your mouth? You're not a virgin! Which practically means, it's not your first time!." Naiinis na ding sigaw ng lalaki sa kanya. "Walang hiya ka!!! Ang kapal ng mukha mo!! Lumayas ka dito!!!." Galit na sigaw ni Jasmine sa lalaki at pinagbabato ito ng unan. Hindi siya makapaniwalang pagsasabihan siya ng ganun ng lalaki. Aminado din siyang hindi na siya virgin dahil naibigay niya iyon sa taong hindi niya rin nakilala. Katulad ng nangyari ay lasing din siya ng mga panahong yun at pagkagising niya sa umaga ay wala na siyang damit at may dugo pa sa bedsheet na pinaghigaan niya. Isang tanda na naibigay niya ang sarili sa isang stranger. Ang masaklap pa ay iniwan siya nito at walang kahit anong iniwan para makilala niya ito. Picture o ano paman na makakapagtukoy kung sino ito at kung anong mukha nito. "Fine! That's a good idea, actually!." Naiinis pa ring saad ng lalaki at mabilis na umalis ng walang pakialam at walang paalam. "Oh gosh. Bakit ba kasi uminom-inom pa ako eh! Arrrrggh!!." Napasabunot naman si Jasmine sa sarili niyang buhok dahil wala siyang matandaan kung paano siya nakarating sa hotel na pinagtulugan niya. Wala sa sariling nagbihis ang dalaga at tila lutang na umuwi sa kanilang bahay. Gusto niyang magwala at umiyak ng umiyak dahil sa katangahan niya. Naiinis din siya sa sarili niya dahil sa kanyang nagawa. ----- Pagdating ni Jasmine sa kanilang bahay ay agad siyang nakaramdam ng kaba. Alam niyang lagot na naman siya. "Bakit ngayon ka lang?! Uwi ba ng matinong babae yan, ha Jasmine?!." Dumagundong ang malakas na sigaw ng ama niya pagkapasok niya pa lang sa kanilang malaking bahay. "Da--Da-Dad. Ah-Ahm kina Vina po ako naka-nakatulog eh. Sorry po." Kinakabahan at nakayukong saad ni Jasmine sa kanyang ama na si James. Takot siya dito dahil masyado itong strict at lagi siyang pinagsasabihan kahit sa maliliit na bagay. Nakaupo ito sa sala na tila may hinihintay at naka-cross legs pa. Nakasuit na din ito na halatang papasok na sa trabaho. Nakayukong naglakad naman siya palapit dito at sobrang kinakabahan. James Eco is also famous when it comes to business. He is the rival of SBG Company, he and his EJE Company. Sila ang laging naglalaban at walang gustong magpatalo sa kanila. "Wala akong pakialam! The fact na hindi ka umuwi at hindi mo manlang pinaalam kung nasaan ka is a big mistake!." Madiing saad ng ama niya na lalong nagpakaba sa kanya. "James, ang aga-aga nagsisisigaw ka na dyan. Lalo mong tinatakot ang anak mo eh." Kalmadong saad naman ng ina ni Jasmine na si Elena. Galing itong kusina. "Yan. Kaya lumalaki ang ulo niyang anak mo ay dahil kinukunsenti mo!! Not all the---" "Hindi sa ganun. Nagpaalam naman siya ng maayos kagabi di ba? It's her friend's birthday. And if you forgot, you still have work to do. So please, let's talk about this matter later at night." Kalmadong putol nito sa asawa na humawak pa sa balikat ng kanyang anak, to somehow make Jasmine relax. "Pagpaalam na hindi ko pinayagan!." Madiing paalala ni James sa asawa at muling tiningnan si Jasmine na halatang takot sa kanya. Napabuga na lang ng hangin si Elena sa sinabi ng asawa. "You're lucky I'm already late and yes, it's your fault!! You---." "James...".Singit pa ni Elena sa nagpapaalalang tono. "Fine! But we're not yet done, Jasmine!." Bantang saad nalang nito at saka tumalikod na para umalis. Tiningnan naman ni Jasmine ang kanyang ina na ngumiti lang sa kanya. Napayuko naman siya dahil sa hiya. "And oh! Before I forgot! Jasmine, you're grounded and you cannot use your car and credit card, until I say so!." Dagdag ng kanyang ama na nakatalikod sa kanila at nasa may pintuan na palabas. "James!." "Bu-But Dad! I ha---." "No Buts!!!." Matigas nitong saad na hindi na pinakinggan ang mag-ina at tuluyang umalis ng walang paalam. Naaawang napatingin naman si Elena sa kanyang anak at niyakap ito saka napahinga ng malalim. "Don't worry. I will talk to your Dad, okay?." Pag-aalo pa nito sa anak. "No need, Mom. He won't listen anyway. Baka lalo lang siyang magalit if you'd do that." Malungkot na saad naman ni Jasmine. "I need to go to my room, Mom. I still have to change and prepare for school." Dagdag niya pa. "Alright.." Sang-ayon naman ni Elena na humalik pa sa noo ng kanyang anak. Umakyat na rin si Jasmine sa kanyang kwarto para mag-ayos. Pagkatapos niyang mag-ayos at kumain ay nagpasya na siyang pumasok ng school pagkatapos magpaalam sa kanyang mommy. Habang nasa taxi ay napapaisip din siya sa nagawa niyang pagkakamali. Hindi siya makapaniwalang naibigay niya na naman ang sarili niya sa lalaking hindi niya kilala. Gustong-gusto niyang batukan ang sarili niya dahil dito. Napapikit din siya ng mariin at tinakpan ang mata niya dahil ramdam niyang naiiyak na naman siya. ----- Pagdating niya sa kanilang school ay dumiretso siya sa cafeteria nang makareceive siya ng text mula kay Vina na nandoon ang mga ito. "Hoy, bes! Saan ka ba nagpunta kagabi at bigla kang nawala? Kakatampo ka ah! Birthday na birthday ko, bigla kang nang-iwan." Tanong ng kaibigan niyang si Vina pagkaupong-pagkaupo niya sa tabi ni Joan. May pagka-seryoso si Vina dahil sa kanilang apat, ito ang nag-aasal matanda kahit na buwan lang ang tanda nito sa kanila. They are all second year with different courses. Nasa cafeteria sila at hinihintay na mag-bell para pumasok sa kani-kanilang klase. They are in their usual spot. "Oo nga bes? Eh lasing na lasing ka pa naman kagabi. Umalis lang ako para mag-CR, pagbalik ko wala ka na." Dagdag ng isa niya pang kaibigan na si Joan. Halatang nag-aalala ito. Ito kasi ang may pagkamanang sa kanilang apat, conservative at walang bisyo. "We actually looked for you but you were nowhere to be found. Pool party was an amazing idea, really. Thanks to you bes for inviting everyone in your party. We had a chance to meet new friends. Haha." Dagdag pa ng isa niya pang kaibigan na busy sa paglalagay ng blush on na si Beverly. May pagka-kikay naman ito. "And oh! you know what bes? You missed meeting hot guys. Some friends of our schoolmates are there and they are all yummy! Ayeeh! Especially that GB guy! Ahihi.." Dagdag niya pa na tila pinapainggit si Jasmine. Tila kinikilig pa ito sa tono ng pananalita nito. Seryosong napatingin naman ang tatlo kay Beverly habang patuloy siya sa paglalagay ng blush on na napapatawa at bahagyang napapasayaw pa. "What??!." Takang tanong pa ni Beverly na napatigil sa ginagawa at pagtawa nang mapansing nakatingin sa kanya ang tatlo. "Wala!!." Sabay-sabay namang sagot ng tatlo. "Whateverrrr..." Pabirong sagot lang nito na siyang nagpailing sa tatlo. "Well?? Ano na bes? Kwento ka naman. I'm not supposed to be the center of attraction here." Said Beverly again na nagpabalik ng atensyon ng lahat kay Jasmine. "Ah-eh-hmmm.." Hindi naman alam ni Jasmine ang sasabihin niya. "Ah eh ih oh uh. What bes? Yan lang ba ang sasabihin mo?." Naiinip na singit ni Beverly. Tiningnan naman siya ng masama ng tatlo. "Okay. I'm sorry. Hmmm?." Hingi niya ng tawad pero hindi naman seryoso at napangiti pa saka muling pinagpatuloy ang ginagawa niya. "Hmmm. Na-Nagpasundo kasi ako sa driver namin eh." Saad na ni Jasmine dahil halatang naghihintay ang tatlo sa kanyang sagot. "Ha? Eh paano mo naman nagawa yun? Eh lasing ka nga eh. You can't even stand on your own." Nagtatakang tanong at saad naman ni Joan. Binigyan siya ng nagdududang tingin ng tatlo. Napabuntong hininga naman muna si Jasmine bago muling nagsalita. "As if you guys didn't know my father. Kaya para maiwasang masermunan na naman, sinabihan ko ang driver namin na sunduin ako bago ako pumunta ng party, okay? And I told him na before eleven ako sunduin. I just can't clearly remember kung anong oras niya ako sinundo." Agad na nakaisip ng palusot si Jasmine na at ease pa ang pagkakasabi saka nagkibit-balikat. "Pero bakit hindi manlang nagpaalam sa amin si Mang Tonyo?.".Napapaisip na tanong naman ni Vina. -"Eh bakit ang dami niyong tanong?."- Naiinis na tanong ni Jasmine sa isip niya. Hindi niya lang ito matanong sa tatlo dahil natatakot siyang magduda ang mga ito sa kanya. "Maybe because he was in a hurry? I don't really know. But if you want, you can ask him later." Jasmine said as calm as she can. Acting like it's nothing to her. But deep inside, she's hoping that they would not, dahil kapag nagkataon ay mabubuko siya ng mga ito. "Hmmm wag na bes. Ang importante ay safe kang nakauwi at walang masamang nangyari sayo." Saad naman ni Joan na humawak pa sa kanyang balikat at ngumiti. Nagdiwang ang kaloob-looban niya dahil sa sinabi nito. "Tamaaaa...." Maarteng singit naman ni Beverly na ikinatawa ng tatlo. "But wait! What do you mean by "we can ask Mang Tonyo later?", Is he coming? And what happened to your car?." Vina asked rapidly and confused. Biglang nalungkot naman si Jasmine. "Well.. Dad found out na uminom ako kagabi kaya... guess what? I'm grounded and I'm not allowed to use my credit card as well as my car." Malungkot niyang saad sa kanyang mga kaibigan. Laking pasasalamat niya sa kanyang acting skills dahil hindi na nagduda ang mga ito. "Funny, isn't it? I shouldn't be surprised that he did this, because he's been doing this everytime I made mistake." Dagdag niya pa na napangiti ng mapait. "Sorry bes.." Naaawang saad naman ni Vina. "You don't have to. Hindi niyo kasalanang mahigpit ang dad ko." Said Jasmine na ngumiti pa ng konti. "That means hatid-sundo ka na naman ni Mang Tonyo." It's not a question, rather an statement from Beverly. Hindi naman kasi bago sa kanila ang nangyayari. Tumango nalang si Jasmine bilang sagot. (Tiiiinnnnggggg...) Tumunog na ang bell kaya nagpaalam na ang apat sa isat-isa para pumasok sa kani-kanilang klase. ----- Pagkatapos ng klase ay hindi na nakausap pa ni Jasmine ang mga kaibigan niya dahil nagtext na sa kanya si Tonyo na nasa parking lot na ito. Hindi pa naman matanda si Tonyo. Matanda lang ng limang taon ang ama niyang si James dito at matagal na rin itong nagtatrabaho sa pamilya Eco. Tinext nalang din ni Jasmine ang mga kaibigan niya na nauna na siyang umuwi dahil sinundo na siya ni Mang Tonyo. Masaya rin kahit papano si Jasmine dahil nakalusot siya sa mga tanong ng kanyang mga kaibigan. At napapadasal din siya na sana hindi siya mabuko. Pagdating niya sa kanilang bahay ay agad siyang humalik sa pisngi ng mommy niya nang makita niya ito at dumiretso na sa kwarto niya. Napahiga siya hanggang sa makaidlip nang makaramdam ng pagod at antok. (Tok! Tok! Tok!) "Senyorita? Gising na po. Kakain na po kayo." Sigaw ng isa sa mga kasambahay nila Jasmine sa labas ng pinto ng kwarto niya kaya nagising siya. Nakita niya ding madilim na sa labas ng bintana, na nangangahulugang gabi na. "Co...ming.." Sagot niya pa habang humihikab. Pagkalabas niya ng kwarto ay agad siyang dumiretso sa dining area. Nahiya pa siya nang makitang siya nalang ang hinihintay. Pero nginitian naman siya ng mommy niya at pinaupo na siya. Kaya kumain na din sila. "From now on, ikaw na muna ang maghahatid kay Jasmine sa school niya, Cedric." Saad ni James sa gitna ng kanilang tahimik na pagkain. Nakaupo ito sa dulo ng mesa. Ang usual na inuupuan ng isang ama kapag oras ng kainan. Napatigil naman sila saglit dahil sa narinig. Si Cedric ang pinakamatanda sa magkakapatid. Twenty-six years old na ito at wala pang asawa. Ito rin ang kasalukuyang kaagapay ni James sa kanilang kompanya. Graduate ito sa kursong Business Ad. "What have you done this time?." Nang-aakusang tanong naman ng pangalawa sa magkakapatid na si Charles. Twenty-four years old naman ito at isang abogado. Pinag-abogado ito ni James para maging private Attorney ng kanilang kompanya. "Why so surprised? She has been making mistakes ever since." Dagdag naman ng pangatlo sa magkakapatid na si Caleb. Twenty years old at graduating sa kursong Engineering. Katulad nang kay Cedric at Charles ay si James din ang pumili ng kurso niya para sa kanya. And it's also for the sake of the company. Si Jasmine lang ang naiba dahil Nursing ang kinuha nitong kurso. Walang connect sa kanilang kompanya. Her father insisted na Business Ad ang kunin niya para matulungan niya si Cedric sa pamamahala ng kompanya but she declined. Sa lahat ng pag-sunod na ginawa niya, dito lang sa pagkakataong ito siya humindi sa ama. Ito rin ang dahilan kaya lalong naging mahigpit ang ama niya sa kanya. Dahil sa mga narinig sa mga kapatid ay napahawak ng mahigpit sa baso si Jasmine na nasa kanyang kamay at napainom ng tubig. "Boys ano ba? Pagtutulungan niyo na naman ba ang kapatid niyo?.".Saway na ni Elena na nasa gawing kanan ni James at kaharap si Jasmine sa hapag-kainan. Si Jasmine ang pang-apat at bunso sa magkakapatid. Sanay na rin siyang laging dina-down ng sarili niyang mga kapatid. Sandaling natahimik din ang lahat. "You guys thought right. She made mistake again. She's grounded and I'm calling off, her credit card." Basag ni James sa katahimikan. "What about Mang Tonyo, Dad? Hindi ba siya ang naghahatid at sundo kay Jasmine everytime this happens?." Salita na ni Cedric. "Mas kailangan ko ng driver ngayon for business meetings. Alam niyo naman ang problema natin sa ating rival di ba? But don't worry, ipapasundo ko naman siya kay Tonyo tuwing hapon eh. And also, para mamonitor mo siya. Make sure na walang kahit sinong lalaki ang umaaligid-aligid sa kanya. Because we know what she's capable of, she might stain our name." Seryosong pahayag ni James sa lahat. Napayuko naman si Jasmine at nasaktan. Puro pagkakamali niya lang talaga ang nakikita ng dad niya sa kanya. "James, what was that supposed to mean? Our daughter is already 18, give her rights to decide." Opposed naman ni Elena sa asawa. "Let dad do the decisions, Mom. He knows what's right for Jasmine. Blame her for being stubborn instead." Singit naman ni Charles. "Right. Kung Business Ad lang sana ang kinuha niya, edi sana---." "Here we go again. Paulit-ulit nalang ba tayo about that issue? Can't you guys let it go? Hayaan natin ang PRINCESS ko sa gusto niyang propesyon." Singit at putol ni Elena sa sasabihin sana ng anak na si Caleb. She also emphasize the word Princess for them to realize that they should be protecting her because she's the only girl in the siblings. Naubos na rin kasi ang pasensya ni Elena sa mga narinig. Alam niya kasi na nasasaktan na ang kanyang bunso at wala itong choice kundi ang manahimik. Tahimik na naaawa naman si Cecilia sa loob ng kusina. Nakikinig sa pag-uusap ng pamilya Eco. Ito ang mayordoma sa Mansion. Siya din ang nag-aruga kay Jasmine nung panahong masyado pang busy si Elena sa pagtatrabaho sa kanilang kompanya. "Let's go, iha." Maya-maya'y aya ni Elena sa anak nang makitang tapos na itong kumain. Wala na ring nagsalita pagkatapos ng huli niyang sinabi. Nag-aalangan man ay tumayo na rin si Jasmine at ganun din si Elena. "You're not yet done with your foods, Elena!." Mahina pero madiing saad naman ni James sa asawa. "I lost my appetite, Mr. Eco." Mahinahong saad naman ni Elena sa asawa. But James knows na galit na ito dahil surename na ang pinangtawag sa kanya. Natahimik naman ang tatlong magkakapatid at pinakiramdaman ang kanilang ama. Mukhang pati ito ay nawalan na rin ng ganang ipapatuloy ang pagkain. "Stubborn as always.".Saad pa ni James na tumayo na din at umalis ng walang paalam. Pagkaalis nina Jasmine at Elena sa dining area ay nagkwentuhan pa ang mag-ina sa loob ng kwarto ni Jasmine. They set aside the problem at nag-usap nalang sa mga bagay-bagay na makakapagpakalma sa kanila. Like, the things they love to do and the things they are alike. Nakalimutan nila saglit ang problema hanggang sa magpaalam na si Elena para matulog. She kissed Jasmine's forehead and left the room. Naiwang napangiti naman si Jasmine at thankful na ito ang mommy niya. Pero nang mapag-isa si Jasmine ay bigla namang nagreplay sa isip niya ang mukha ng lalaking katabi niya sa kama nung nagising siya sa isang hotel. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa kumot at nanginig siya dahil sa takot. Naisip niyang baka mabuntis siya kaya ramdam na ramdam niya ang pagkabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba. ----- Kagaya ng sabi ni James ay lagi ng hinahatid ni Cedric si Jasmine sa school. Nagtataka man ay hindi na nagtanong pa ang kanyang mga kaibigan. Alam na rin kasi nilang ang daddy ni Jasmine ang may pakana ng lahat. Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula ng huli nilang pag-uusap tungkol sa recent issue. Wala ding nakakaalam kung hanggang kailan ang nasabing parusa. Ang alam lang nila ay sundin ang kanilang ama. "Don't do anything stupid." Laging linya ng kanyang kapatid bago siya makababa ng kotse nito. Na ang tanging nagagawa niyang sagot ay tango. "And stop flirting!." Dagdag pa ng kapatid niya pagkababa niya. Lagi kasi nitong nakikita sa side mirror ang paglalapit ng schoolmate niyang si Andrew sa tuwing papasok na siya ng school. Hindi niya man pinapansin si Andrew ay iba pa rin ang naging conclusion ng kapatid niya. Nasasaktan man ay hindi nalang siya nagsalita, hanggang sa makaalis ito. "Jasmine, ako na magdadala niyan." Nakangiting lapit ni Andrew sa kanya, as always. Ito ay captain ng basketball, makisig at gwapo. Marami rin ang naghahabol ditong mga babae. "Andrew please.. ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na wag mo na akong hinihintay. At kaya ko na to." Said Jasmine sa nayayamot na tono saka iniwas ang hawak na shoulder bag at libro para hindi ito makuha ni Andrew. Naglakad na din siya at nilampasan ito. "Jasmine.. I know I've made a big mistake. Pero pinagsisihan ko na yun. Just take me back and I will be the best boyfriend I could be." Pagsusumamo pa ni Andrew kaya napatigil sa paghakbang si Jasmine. Lingid sa kaalaman ng lahat maliban sa kanyang mga kaibigan, si Andrew ang first boyfriend niya. Crush niya ito noong High School pa sila at dream come true nang niligawan siya nito. But their story end ng nalaman niyang may ibang babae si Andrew, at yun ay walang iba kundi si Bridget. Ang head ng Cheerleader sa school nila. Three months lang ang tinagal ng relasyon nila. Madalang lang din silang mag-date at kung magkasama naman ay laging nakabantay ang kanyang mga kaibigan. Pinagbawalan kasi siya ng ama niya na makipag-boyfriend kaya tago ang kanilang naging relasyon. At halos limang buwan na rin siyang sinusuyo ni Andrew mula ng maghiwalay sila pero hindi niya na ito kayang bigyan pa ng pagkakataon. "I'm sorry pero wala na akong panahon para sa pakikipag-relasyon. So please Andrew, tigilan mo na ak---." "You know I won't stop until you'd give me another chance. Persistent akong tao Jasmine. And I will do anything para maibalik ang dati, even if I have to wait for long." Putol nito sa sasabihin niya at malakas ang loob. Jasmine is one of a million kaya laking pagsisisi niya ng pinakawalan niya ito. Kahit kasi hindi ito masyadong mahilig sa make-up ay hindi pa rin maikakailang maganda ito at kayang makipaglaban sa mga babae sa magazine. Idagdag pang matalino at mabait itong babae. Marami rin ang nagpapapansin dito kaya naman lagi siyang nakabantay at laging inaangasan ang sinumang nagtatangkang lumapit dito. Napabuntong hininga si Jasmine at lumingon saka mataman itong tinitigan. Hindi niya maipagkakailang kumakabog pa rin ang dibdib niya para dito. Salungat sa sinasabi niya dito. "I have to go." Saad niya nalang saka iniwan ito para pumasok na sa kanyang klase. Hindi niya na rin hinintay pa ang response nito. Masyadong matigas ang ulo nito para makipag-tigasan pa siya. At ang pinaka-main reason kung bakit hindi niya na ito kayang bigyan ng pagkakataon ay dahil ito ang dahilan why she lost her virginity to a stranger. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD