“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 34. Kasalukuyang nakaupo sa isang coffee shop si GB at hinihintay ang pagdating ni Bryan. Tinawagan niya kasi ito at pinapunta kung nasaan siya dahil may kailangan silang pag-usapan. Habang naghihintay siya ay hindi niya maiwasang maalala ang nangyari sa kanila ni Jasmine nung gabing nasa condo niya ito. Yung gabing may nangyari sa kanila. Yung gabing muli niya itong pinanggigilan. At kasabay ng pagkaalala niya dito ay ang pag-guhit ng galit sa mukha niya. Napapikit nalang siya ng mariin at napahilot sa sentido niya para maalis ang pag-iisip dito. "Sir, pasensya na kung ngayon lang ako. Traffic po eh." Saad na ng kadadating lang na si Bryan. Napatingin naman si GB dito at pinaupo na ito sa upuang nasa harapan niya. At pagdating ng inorder niyang kape para dito

