Nanlulumo akong nakarating sa aking unit. Bago pa man din ako tuluyang makapasok roon ay isang boquet ng bulaklak ang nasa sahig ng pinto. Pinulot ko iyon at binasa ang maliit na pulang papel. At least, SMILE. Smile because you're prettier with it. Nandito lang ako palagi para sayo. ❤ -LANCE Bahagya akong napangiti dahil sa aking nabasa. Hindi ko rin nakalimutan ang sinabi ko kagabi na pumapayag akong magpanggap na pareho kami ng nararamdaman. Na kunwari'y muli kaming bumalik sa masayang nakaraan. Laging nandiyan si Lance sa aking upang pasayahin at tulungan ako, kaya sa tingin ko panahon na para suklian ko iyon... Bilang isang pabor. Bilang huling kahilingan niya sa akin bago siya... Mamatay. "Ayan! Ngumiti ka rin..." Mabilis akong lumingon sa aking likuran upang makita ang pinanggali

