Masama ang mga titig na ipinupukol sa akin ni Revius habang kumakain kami. Naiiisip ko nga na baka niya na lang ihagis sa akin yung bread knife kapag nawalan ako sa alerto. "Siya pala ang tinutukoy mong Anderson. Nakita ko yung kontrata, hindi ba hanggang ngayon na lamang iyon?" Basag nung demonyo sa katahimikan. Napaangat naman ako ng tingin sa narinig. Hanggang ngayon na lang yung deal nila mommy? Ewan ko kung bakit, pero imbes na matuwa ay parang nadisappoint ako sa narinig. The deal's off. Wala na ring tutulong sa akin kung sakali mang may magtanka sa buhay ko. "Yeah." Tipid na sagot ni Levius bago nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain. "Kamusta pala ang pagkain mo, Amber? Hindi ba masakit sa lalamunan?" Sinamaan ko ng tingin si Revius. Kahit anong ekspresyon ay sa pag ngiti yata siya p

