Great, just great! Hindi ba pwedeng magpanggap nalang siyang walang pakielam at disente ako ngayong gabi o kaya'y gawin niya na lang ang natural niyang gawain na seryoso ang mukha. Yung tipong parang siya na yung lalaking naging sugapa sa pagkolekta ng kaseryosohan ng nagpasabog ang panginoon nito. Sinamaan ko ng tingin si Alfieri pati na rin yung mga tauhan niyang mukhang nagpipigil ng tawa. Mukha na ba akong basurera sa itsura ko ngayon? "All of you stop staring at her and get out!" Napapitlag naman ako nang malakas na sumigaw si Alfieri. Mabilis na yumuko ang mga tauhan niya at saka sunod sunod na nagsipag alisan. Tss. Buti naman naisipan niyang bawasan ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon, kundi... Naku! "Ahm... A-am, anong ginagawa natin rito? At sino siya?" Tanong ni Lance,

