Chapter 2 - The Accident

1062 Words
Chapter 2 Matapos niyang tingnan ang pasyente ay niligpit niya ang kanyang mga gamit para umalis na. Nakangiti pa siyang nagpaalam sa mga taong naroon hanggang sa makalabas siya ng mosque. Dahan-dahan lang ang kanyang paglalakad dahil ayaw niyang makabalik roon agad sa kanilang venue dahil iniiwasan niyang magtagpo ang landas nila ni Gene. Ngumingiti pa siya sa mga kasalubong na bumabati rin sa kanya. Hanggang sa biglang isang nakabibinging pagsabog ang nagpatigil sa kaniyang paglalakad. Naramdaman na lang niya ang paglapat ng kanyang katawan sa lupa at nakabibinging ingay ng mga tao sa paligid na tila nagkakagulo. Hanggang sa manlabo ang kaniyang paningin dahil sa likidong tumagas mula sa kanyang noo. Pinigilan niya ang ang kanyang sarili sa pagkahimlay at liningon ang paligid. Nakita niya ang iba pang taong sugatan at may inaapulang apoy mula sa isang sasakyan. Nakita niya rin ang pag-iiyakan ng mga bata at mga daing ng mga sugatan. Siguro dahil isa siyang doktor ay instinct niya ng tumulong sa mga nangangailangan ng serbisyo niya kaya pilit siyang bumangon at binitbit ang medical kit niya kahit na nanlalabo pa ang sarili niyang mata dahil sa dugong tumatagas mula sa kaniyang noo. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa batang umiiyak at nang makalapit ay agad niya itong inakay para makalayo sa sasakyan na pinagmulan ng pagsabog. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay isa pang pagsabog ang sumiklab na nagpatigil sa kaniya. Namanhid ang buong katawan niya at tanging isang pamilyar na boses lamang ang kaniyang narinig. Ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan. "Serene!"ang boses nito na puno ng pag-aalala. "Serene! Don't sleep, please! Don't sleep!" "G-Gene..."hirap niyang banggit sa pangalan nito. Pero masaya siya. Masayang-masaya siya na nakalimutan niyang nasa bingit na siya ng kamatayan ngayon. Tanging ang nasa isip niya lang ay ang pagkakataong ito na nasa mga bisig siya ng lalaking mahal niya. Ang matagal niya ng pangarap na makulong sa mga bisig nito sa wakas ay natupad na. Kaya kahit nahihirapan siya ay hindi niya na alintana iyon. Nakangiti siyang tumitig sa mukha ni Gene pilit minimemorya ang hugis ng mukha nito. "G-Gene..."hirap niyang usal sa pangalan nito nang mamalayan niyang binubuhat na siya nito papunta sa isang ambulansiya. "Stop. Don't talk or you're going to bleed right now." "Gene..."tanging usal niya. "Serene! Serene!" ang nag-aalalang boses nito ang naulinigan niya bago pa man siya mahimlay sa karimlan. "Serene, gising ka na please." isang hikbi ng boses babae ang narinig niya. "Serene, sige na. Hindi na kita kokontrahin promise kapag gumising ka."dagdag pa nito. Naramdam niya rin ang haplos nito sa kanyang mga kamay. Gusto niyang imulat ang mga mata pero sadyang napakabigat ng kaniyang mga talukap kaya pinili niya na lang makinig sa mga hikbi nito. He's just looking at her for almost ten minutes. And he realized how did he almost lost Serene. And he blame himself because of that. Wala nang ibang sisisihin kundi siya. Nalaman niya mismo mula kay Lia ang dahilan kung bakit nagpa-assign ito sa ibang barangay at alam niyang kasalanan niya iyon. She would have been safe if she only stayed in San Joaquin but then all just remain the what if's in life. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na umalis pala siya? Kailan pa? Sana kung sinabi mo ng mas maaga ay napigilan ko na siya."tila sumbat na tanong niya kay Lia ang kaibigan ni Serene. "At ano?! Pipigilan mo siya? Kahit sabihin ko man sayo wala ka ng magagawa dahil buo na ang desisyon ni Amber na magpalipat. At alam mo ba kung bakit?" hagkis na tanong rin sa kanya ni Lia. Nag-uusap sila ngayon sa labas ng operating room habang nasa loob ng OR si Serene. Napailing-iling na lang siya sa sinabi ni Lia. "Bakit huwag mo sabihing inosente ka? Ikaw ang nagtulak sa kaniya na magpakalayo-layo. Ayaw mo siyang makita di ba? Dahil kinamumuhian mo siya? Dahil sa halip na siya ang makidnap ng mga hayop na iyon ay si Selene ang nakuha nila. Matagal mo rin namang ipinagdarasal na sana siya nalang ang nawala at hindi ang pinakamamahal mong si Selene. At ang kawawa kung kaibigan, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tao sa mundo ay ikaw pa ang ginusto niya? Bakit ba mahal na mahal ka niya sa kabila ng lahat? Bakit handa siyang magpakatanga sa'yo ha? Kung hindi mo siya pinagbawalang makita ka hindi sana siya aabot sa ganito. Bakit ba ang lupit mo sa kanya? Ang gusto lang naman niya ay makita ka kahit sa malayo lang kahit hindi mo siya pansinin sa habang buhay. Ang tanging alam ko masaya na siya ang makita ka kahit sa malayo man lang. Pero ano ang ginawa mo? Tinulak mo siya palayo sayo. Ngayon masaya ka na?" ang mga katagang ito ang siyang nagpabalik-tanaw sa kanya. Alam niyang kasalanan niya. Akala niya kasi sa pamamagitan ng pagtataboy niya rito ay maisipan nitong umuwi na lang pero talagang pursigido talagang mapalapit sa kaniya ang dalaga mula pa man noong magtapat ito ng tunay nitong nararamdaman sa kaniya. At simula din sa araw na iyon ay tinapat rin niya ito na walang maaasahan sa kaniya si Serene dahil tanging ang kapatid lang nito ang kaniyang mahal. Subalit gayunpaman ay naging pursigido pa rin itong mapalapit sa kaniya sa kabila ng lahat ng pagtataboy niya at masasakit na salitang kaniyang nabitiwan. "Wake up already, Serene or else I will hate you more."sabi niya sa natutulog pa ring dalaga. He then gently caressed her hand. Lumipas ang mga araw ay naging okay naman ang vital signs ni Serene at ang mga sugat niya ay unti-unti na ring naghihilom. Sa ikatlong araw na nalipat siya sa isang private ward ay nagising rin siya. Pero ang taong inaasahan niyang makita sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay wala. Tanging si Lia lang at ibang mga kasamahan nila ang nabungaran niya. Gusto niyang magtanong kay Lia kung nasaan si Gene pero mas pinili na lang niyang manahimik. Alam niyang wala naman talaga siyang aasahan sa binata, alam niyang panaginip lang ang lahat ng iyon. Isang panaginip lamang ang marinig niya palagi ang boses nito tuwing gabi at siya ay nasa karimlan. Alam niyang ang lahat ng iyon ay bunga lamang ng kaniyang imahinasyon na gusto niyang maging realidad kaya naririnig niya palagi ang boses nito. Comforting her and touching her gently. Bunga lamang iyon ng pagkasabik niya rito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD