Gaya ng sinabi ni Kenneth ay pinagmasdan niya ang mga kilos ni James at wala naman siyang napansing kakaiba nitong mga nakaraang araw. Mukhang niloloko lamang siya ni Kenneth at mukhang inuuto na naman. Linggo ngayon at maagang nagpunta roon si James. Gaya ng dati ay marami itong dalang kung anu-ano sa kan'ya. "Goodmorning princess, here is your medicine" Ngiti nito sa kan'ya. "Thank you, but can I ask you something?" "What is it?" "Para saan ba yang mga gamot na iniinom ko? Halos dalawang buwan na kasi akong nakakalabas ng ospital and I don't remember na may pinapainom pang gamot sa akin" Kunot noong tanong niya. Kita naman niya ang pagkagulat sa mga mata nito. "Ah t-this is ibuprofen for bone pain" Sagot naman nito. "But I am not in pain, what I need is theraphy and I don't think

