Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa address na tinext ni Abi. Nagsuot siya ng Pleated Lapel Above the knee dress Dahil napaaga yata siya sa venue ay naisipan niyang mag-order muna ng coffee sa starbucks tutal ay katabi lamang ito ng shop na itinext ni Abi. Akmang uupo na siya sa sulok nang may tumawag sa kan'ya. "Eli!" Nang tignan niya ay si James pala ito. Agad itong kumaway at lumapit naman siya. "Bakit ang aga mo?" Tanong nito. "Ah tinext kasi ako ni Abi na magpapasukat ng gown" "Really? Ikaw ang maid of honor niya?" Ngiting tanong nito. "Oo bakit?" "Wow! That's nice. Ako ang bestman ni Kenneth" Nang madinig ang pangalan nito ay agad nawala ang mga ngiti niya. "Siya nga pala. What happened to you? Bakit bigla ka nalang nawala doon sa party?" Seryosong tanong nito. Ag

