Kinabukasan ay nagising siya sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Sigurado siya na si Kenneth na naman ito. Pero bakit kumakatok pa ito? "Ang aga mo na namang nambwibwiset!" Inis na sabi niya pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Pero agad siyang nagulat nang hindi si Kenneth ang mapagbuksan niya. "Abi?" "Yes, ako nga. Pwedeba tayong mag-usap, Eli?" Seryosong sabi nito Ang laki na ng pagbabago ng katawan nito. Sobrang payat at putla na nito. Halos hirap na rin itong makalakad. "Maupo ka, anong gusto mong inumin--" "Okay lang ako, hindi rin ako magtatagal. Gusto lang talaga kitang makausap" Agad silang umupo sa may sofa. "Kumu--" Natigil ang pagsasalita niya nang magsalita rin ito. "May relasyon ba kayo ng asawa ko?" Walang emosyong tanong nito. "Asawa?" Gulat at kunot noong tanong

