Chapter 2

997 Words
Naging busy sila ni Abi for Graduation preparation ng halos isang linggo. As usual, hindi na naman makakauwi ang mga magulang niya for graduation. Pero sanay na siya sa mga ito. "Congrats, Eli! Sa wakas naka-graduate na rin kayong dalawa nitong si Abi" Bati sa kan'ya ng mama ni Abi pagkatapos ng graduation ceremony. "Thank you po, tita" Ngiti niya.  Pero nawala ang ngiti niya nang makita sa likod sina Abi at Kenneth na magka-holding hands. "Congrats, Eli" Maikling bati sa kan'ya ni Kenneth. "Eli, gusto mo bang sumama sa bahay? May simpleng salo-salo kami" yaya sa kan'ya ni Abi. Hindi na siya nagdalawang isip dahil alam niyang kasama si Kenneth. Isa pa, malulungkot lang siya sa condo dahil mag-isa lang naman siyang mag-cecelebrate ng graduation. Pagdating sa maliit na bahay nina Abi ay nakita niya ang mga lalaking pinsan ni Abi na nag-iinuman. "Congrats, Abi at Eli!" Bati sa kanila ni Migs ang pinsan ni Abi na alam niyang may gusto sa kan'ya. Sabay silang nagpasalamat. "Ah Eli, pagkatapos niyong kumain sali ka naman dito. Miss kana namin" Ngiti sa kan'ya ni Migs. Paminsan-minsan kasi ay nakakabonding niya ang mga pinsan nito sa inuman. "Sure" Ngiti niya rito. Kesa naman mag mukmok siya at mainggit sa pagiging sweet nila Abi at Kenneth. Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang sila ng konti. Tinawag na sila ni Migs. "Ah Abi, nandiyan pa ba 'yong mga dati kong damit? Naiirita na kasi ako rito sa dress na suot ko" Tanong niya kay Abi. "Ah oo nandoon pa sa may kwarto ko. Magpalit na ka nalang doon" Minsan kasi ay dito rin siya natutulog. Lalo na noong gumagawa pa sila ng Thesis. Agad siyang nagpunta sa kwarto nito at hinanap ang mga damit sa lumang aparador nito. Agad niyang hinubad ang dress na suot. Pagkatapos ay sinuot ang maong short shorts niya na sa sobrang ikli ay halos makita na ang maputi niyang kuyukot. Hindi pa niya nasusuot ang backless shirt niya ng biglang pumasok si Kenneth. "Ah babe eto ba 'yong--" Nabitin ang sasabihin nito nang makita siya. Parehas silang natulala. Nagtagal ang mga mata nito sa may mga dibdib niyang nakasuot lang ng bra. "f**k! I'm sorry" At agad itong umalis at sinara ng mabilis ang pintuan. Agad siyang napangiti.  Nang bumaba siya ay halos pagtinginan siya ng mga lalaking pinsan ni Abi. Nakaupo na rin doon si Kenneth. Si Abi naman ay tinulungan muna ang nanay nito sa pag liligpit ng mga pinagkainan. "Eli, dito ka na umupo" Turo ni migs sa bakanteng upuan sa may tabi nito. Agad siyang tumabi rito. Nasa harapan naman niya si Kenneth na diretso lang ang tingin sa kan'ya. Nagsimula na ang inuman. Pakatapos ng halos isang oras ay tiyaka lang dumating si Abi. Dahil sa sweetness ng dalawa ay hindi niya napigilang i buttoms-up ang isang boteng RH na hawak niya. "Teka lang Eli, nagmamadali ka ba? Baka naman malasing ka kaagad niyan" Saway sa kan'ya ni Migs. "Ano ka ba naman migs, masaya lang ako kasi graduate na ako, tapos may jowa na rin itong kaibigan ko" Hagikgik niya. Muntik na siyang matumba. Buti nalang ay nahawakan siya nito sa may magkabilang bewang ni Migs. "Ikaw lang naman Eli e, matagal na akong nagpapalipad hangin sa 'yo. Pero hindi mo ako pinapansin"  Agad silang inalaska ng mga kasama nila. Nang tignan niya si Kenneth ay nakatingin lang ito sa kanila. Kung tutuusin ay gwapo naman si Migs, may kotse. may kaya din naman dahil isa itong Civil Engineer sa isang Construction Firm. Nang bigla siyang tumayo para mag banyo ay agad siyang nahilo. Agad siyang nahila ni Migs at napaupo siya sa may kandungan nito. "Eli, halika na magpahinga ka na sa loob" Aya sa kanya ni Abi at inalalayan siya sa isang braso. Akmang tatayo si Migs nang pigilan ito ni Abi. "Kami na muna ang bahala sa kan'ya kuya migs" Nasa may sala na sila nang muntik na naman siyang matumba. "Ah Ken, pwede mo ba buhatin si Eli papasok ng kwarto? Ikukuha ko lang siya ng mainit na tubig at bimpo. Naramdaman nalang niya nang umangat ang katawan niya sa may ere. Agad niyang ipinalupot ang dalawang braso niya sa may leeg nito. Kahit nanlalabo ang mga mata ay pilit niya pa rin inaaninag ang bumubuhat sa kan'ya. Humigpit ang hawak niya sa leeg nito at bigla niya itong hinalikan ng mabilis. Buti nalang ay nasa loob na sila ng kwarto. Agad siya nitong ibinaba sa may kama. "What the f**k! Anong ginagawa mo!" Galit na sigaw nito sa kan'ya. "I just want to say thank you" Ngiti niya rito. "Lahat ba ng bumubuhat sa iyo ay hinahalikan mo?!" "Bakit nagseselos ka ba?" ngiti niya rito "Are you crazy?! Damn woman!"  Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Abi.  "Ah babe, labas na muna ako. I'll just wait for you outside" Paalam ni Kenneth at lumabas na rin ito. Naramdaman niya ang mainit-init na dampi ng tubig sa katawan niya kaya agad din siyang nakatulog nang makaramdam ng antok. Kinabukasan ay maaga siyang umalis sa bahay nina Abi. Napagdesisyunan kasi nilang mag-outing. Celebration nila para sa graduation nila. Dahil siguradong maiinggit lang siya kina Abi at Kenneth ay nagsama rin siya ng kapareha niya. Si Alexis. Isa sa mga manliligaw niya. Kasama nila ang iilan nilang mga classmate sa Bus Ad major nila. Walo lahat sila sa isang 16 seater van.  Nakasuot siya ng isang white tattered short shorts at skintone bralette. Nasa may dulo nakaupo sina Abi at Kenneth nasa harapan naman nila sila. Katabi niya si Alexis. 3Hrs ang biyahe nila papunta sa Private Resort nina Kenneth. Yes nagvolunteer kasi ito. "Ah Abi--" Nabitin ang sasabihin niya nang makita itong natutulog sa may balikat ni Kenneth. Nagkatinginan lang sila ng lalaki pagkatapos ay umayos na rin siya ng pagkakaupo. Pagdating sa resort ay may nakahanda ng pagkain para sa kanila. Binigyan sila ng kan'ya-kan'ya nilang mga kwarto. Halos mainis siya nang malamang sa iisang kwarto lang pala tutuloy sina Abi at Kenneth. "Ah pwede rin bang sa iisang kwarto lang din kami ni Alexis?" Ngiti niya kay Kenneth. Halos maningkit ang mga mata nito bago tumango. Pagpasok sa loob ay sinabihan niya ang lalaki. "Hoy Alexis! Doon ka sa sofa ah, dito ako sa may kama. At h'wag na h'wag kang mangangahas na gapangin ako" Babala niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD