Mabilis niyang tinawagan si James. "Hello Eli! God! Where are you?!" Tanong nito. "J-james please, sunduin mo ako rito kinidnap ako ni Kenneth. Dinala niya ako rito sa abandonadong gusali somewhere here in Pangasinan, pagkatapos ay basta-basta na lang niya akong iniwan please James, natatakot na ako. I need your help" Umiiyak na sabi niya sa kausap. "Okay. Papunta na ako basta buksan mo lang ang phone locator mo" Mabilis na sabi nito at ibinaba na ang tawag. Agad siyang napatingin sa seryosong mukha ni Kenneth. "Please, I am fine ayokong nakikita kang gan'yan" At hinaplos ang magkabilang mga pisngi nito. "Yes I know, hindi ko lang talaga mapigilang mag-alala" Malungkot na sabi nito. "Basta, lagi mo lang dadalhin iyang earphone device mo para makita ko kung nasaan ka okay?" Paalala

