Anna “Anna, pauwi na ba ang asawa mo? Saan na raw sila banda?” two times na tanong ni Mommy sa ‘kin. Kanina pa ito patingin-tingin sa kaniyang relo kasi ka kotsaba ko sila Tristan at Scott na yayaing lumabas si Callum kaninang umaga. Nakatikim pa nga ako ng pang-aasar galing sa dalawang kaibigan ni Callum. Kung sure daw ba ako na isasama nila si Callum. Nagtanong pa kung saan nila dadalhin si bugnutin. Aba kahit naman saan sila magpunta, basta hindi lang mambabae approve sa ‘kin. “Pasensya ka na ‘nak. Ako'y excited lang. Kahit kasi sa ‘kin ayaw mong sabihin,” aniya nakalabi. Mahina akong tumawa. Totoo. Kasama ko si Mommy, magplano, subalit hindi ko ipinaalam sa kanya kahit anong pamimilit niya. Paano ko nga sasabihin kahit ako ayaw kong silipin ang envelope na kung saan ang result ng u

