Pamela “Aling Liwayway!” sinunggaban siya ni Anna, ng mahigpit na yakap. “Sobrang tagal natin hindi ulit nagkita ano? Mahigit one year na rin, Aling Liwayway,” sobrang galak ang boses ni, Anna at nakaguhit ang saya sa mata ng kaibigan ko, pagkatapos nilang magyakapan ni, Aling Liwayway. “Kay bilis lang ng mga araw akalain mo nga iyon ano? Parang kahapon lang kung iisipin,” anang Aling Liwayway. Tumingin din ito kay Rhenzo. Ginusot ang buhok ng dati kong alaga. Kinurot ko naman ng mahina ang pisngi ni Rhenzo. He didn't chastise me—he just grinned. “Rhenzo! Aba'y binata na ang dati naming baby ng, Sta. Inez. Siguro may iba ka ng crush bukod kay, Titser Laila?” dito naman napunta ang atensyon ni Aling Liwayway. “Opo pero si Titser Laila pa rin po ang number one crush ko,” sabi nito na ki

