Pamela “Gusto ko lang dapat pasayahin ka, hon. Wala akong kayang gawin basta't para sa iyo,” saad ni Blaze sa gitna ng wala kaming imikan. Umayos ako ng upo. Mabilis ko siyang sinipat ng tingin. Ngunit seryoso lang siyang nagmamaneho. Dinig ko rin ang mabigat niyang pag buntong-hininga tila ba siya’y apektadong-apektado sa pananahimik ko. I caught him staring at me out of the corner of my eye. Hindi naman matagal dahil na focus ulit ang atensyon niya sa pagmamaneho. Nanatili akong tahimik pero minsan sa labas ako nakatingin kapag naman tumitikhim si Blaze. I will stare at him, wala nga lang akong imik. Inalis ni Blaze ang isa niyang kamay sa manibela at kinuha ang akin, at pinagsalikop niya iyon pagkatapos pinahinga niya sa ibabaw ng hita niya. Napanguso ako ng tumingin ako sa magkasu

