Pamela Nasa tricycle na kami ni Tatay. Patuloy pa rin akong tahimik na umiiyak. Hanggang ngayon nagtatanong pa rin ako sa aking sarili kung paano ‘yun nagawa ni Blaze, sa akin. Hinawakan ni Tatay ang kamay ko. Napa lingon ako sa kanya at tipid ko siyang nginitian upang ipabatid na okay lang ako. “Ayos ka lang ba anak?” mahinahon na niyang salita. Pag-alala rin ang nakalarawan sa kaniya mata. “Opo naman ‘tay. Kayo po ayos lang ba?” pilit na ngiti-ngiti akong sumagot sa kaniya. He nodded. Humugot siya ng hangin sa dibdib. “Sigurado ka ba, 'nak, hindi ka nasasaktan dito na iniwan mo ang asawa mo? Sana pala hinayaan ko na lang ang aking nalaman kaysa ganitong nakikita kitang nasasaktan. Tama na ang iyak, baka mapaano ang apo ko?” nanantiya na tanong ni Tatay. “Opo naman, ‘tay. H'wag po

