Callum Nanatili akong gising ngunit ang kasama kong si Mommy ay mahimbing na ang tulog sa sofa. Ayaw pa nga humiwalay sa kambal niyang apo kung hindi lang nagluluha sa kakahikab nito kanina. Kahit nga bagsak na ang mata hindi pa natinag kung hindi ko pa sinaway na matulog na at may bukas pa naman. Even though it is one o'clock in the morning, I feel very much awake. Ewan ko ba ayaw kong pumikit kahit isang saglit. Gusto ko lang pagmasdan ang mag-iina ko. Yeah…my wife is in the hospital bed, sleeping peacefully. Wife…kahit wala kaming marriage contract I consider Anna to be my wife. Oo naman, Importante naman talaga kung iisipin. Ngunit mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya kahit walang papel Misis ko pa rin si Anna Fegi Caluttong. I smiled when I looked at Anna and my twin ch

