Pamela “Hon, sino ‘yun?” aniya tila pinag-aaralan ang kilos ko. Nakurot ko pa ang palad ko dahil sari-sari ang aking iniisip. Hindi ako sumagot sa halip dali-dali akong pumunta ng walk-in closet ni Blaze, kumuha ako ng bihisan niya. Ganito naman din ang daily routine ko kapag narito si, Blaze, sa bahay. Inaasikaso ko siya maliban lang kapag umaga na inatake ako ng morning sickness ko hirap akong bumangon. Naiintindihan naman ni Blaze. Ayaw rin nito akong gumising ng maaga kahit nga noong hindi pa ako buntis, kaso lang gusto ko siyang pagsilbihan kasi wala naman akong ginagawa maghapon. Nakasunod ito ng tingin sa akin ayaw ko lang lumingon. Binabagabag kasi ako sa tawag kanina ni, Kuya Isagani. Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda sa asawa ko ngunit naging alalahin ko iyon ayaw akong m

