Pamela “I'm leaving, hon. Please call me if you need anything.” Sumandal pa si Blaze sa sofa nakadipa ang magkabila niyang kamay nagmukha niya akong yakap dahil nakasandal ako ang braso niya. Umangat ako ng tingin sa kaniya nangingiti ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay animo maang-maangan ang Mayor n'yo. “Aalis daw pero nakaupo pa rin,” tukso ko sa kaniya kina bungisngis din niya. Ayaw talaga nito kumilos nanatiling nakaupo pa sa tabi ko. Narito kami sa living room sa sala. Nakabukas ang television nanonood kami ni Ate Julieta ng noontime show. Kasalukuyan kasi kami nagpapahinga dahil katatapos lang din namin mag-lunch. Itong asawa ko twenty minutes na lang one o'clock na ngunit nasa tabi ko pa nasa mukha nitong ayaw pa pumasok. Kanina kasama namin si Aling Liwayway. Pumunta lang

