Pamela Sa plato ko lang ako nakatitig hinayaan ko si Blaze naglalakad patungo sa akin. Nasa upuan ako ng study table hindi kasi ako bumalik sa kama katulad sana kanina sa balak gawin ng Manang Lupita. Dadalhin ang pagkain ko roon at doon pa nito balak ako pakainin. Pinatong ni Blaze ang kamay niya sa magkabilang balikat ko. Pakiramdaman kami. Ako nag-aabang kung anong susunod niyang gagawin. Nanatili lang nakatayo si Blaze. Ganun din ang magkabila niyang kamay sa balikat ko ngunit ngayon ay iginalaw-galaw niya ang daliri habang nanatili siyang nakatayo sa likuran ko. “Ayaw mong umupo,” bulong ko lang iyon ewan kung maririnig niya. Gusto ko siyang silipin kausapin ‘wag na lang hinayaan ko na lang siyang panoorin niya ako at itinuloy ang mabagal kong pagnguya ng kanin at ulam. Tumikhim

