Pamela “Ngayon ka lang ba bumalik?” tanong ko kay Blaze nang magising ako dahil lumundo ang kama sa tabi ko. “Tinapos ko, hon, iyong pinadala mong papers. Bumalik ako kanina upang silipin ka. Tulog ka naman hinayaan na lang kita alam kong pinagod kita kanina,” aniya humiga sa tabi ko pagkatapos patagilid na humarap sa akin. “Tapos mo na?” He nodded. Ngumisi ito nang naluluha akong humihikab. “Naistorbo ko ba ang tulog mo, hon?” sabi pa ni Blaze nakatingin lang sa mukha ko. “Hindi buti nga dumating kana, kasi hapon na rin naman mamaya na lang ulit. Tumigil ako tinaasan ko siya ng kilay. Eh, natapos mo naman ba lahat?” “Tapos na, Misis, at nakuha na rin ni Ms. Abordo,” “Pinapunta mo pa rito? Talaga ikaw, Blaze pinagod mo pa ang sekretarya mo,” sermon ko pa sa kaniya. “Ngayon ko lang

