Elle’s Point of View
Nang makita kong walang malay ang misteryosong lalaking to sa aking harapan ay kaagad kong naalala si Cass, at kaagad naman akong lumingon para tumakbo papunta sa kwarto kung saan siya kinulong ng lalaking iyon.
Hindi naman magtatagal ay magkakamalay na ulit siya kaya kailangan ko gumalaw ng sobrang bilis.
“ATE!” rinig kong sigaw ni Cass, kaya gamit ang aking braso ay tinulak ko ang pintuan ng pagkalakas lakas. Nagiba ang pinto.
Sa sobrang lakas ay nagiba ang pinto at miski ako ay nagulat. Hindi ito necessary pero feeling ko na kailangan ko talaga na gibain yung pinto.
Nagulat naman ang batang kanina pa umiiyak at tiningnan ko naman siya sa mga mata.
“Don’t worry big sis is here,” wika ko sa kaniya habang ako ay hinihingal pa.
Kaagad akong lumapit sa kaniya para kalagan ang tali na nakatali sa kaniyang mga kamay, sa sobrang pagmamadali ko ay sobrang nalito na ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam paano ko tatanggalin yung buhol.
Tumingin naman ako sa aking hawak hawak ngayon, umaasa na makakatulo-
Potcha, ano magagawa ng makapal na tubong to?
Tinapon ko ito palayo sa akin.
Napatigil ako ng saglit at tumingala ako sa kisame at huminga ako ng malalim saka ko ibinaling muli ang aking paningin sa pagkakatali sa kaniyang kamay.
Kinalma ko ang aking sarili at sinimulan ko ulit ang pagtanggal sa tali...
“YES!” sigaw ko nang matanggal ko ang pagkakatali sa kaniyang mga kamay, kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at hinila ko na siya patayo, at kaagad ko siyang hinila para makatakbo kami palayo sa bahay na ito.
May sinasabi sa akin si Cass ngunit hindi ko ito pinpansin, dahil ang aking utak ay focused na makaalis sa lugar na ito, hanggang sa makalabas kami ng bahay.
Napatigil naman ako nung napalabas kami ng bahay, ay napatigil ako at lumingon ako ng dahan dahan habang ako ay naghahabol ng aking hininga. Naramdaman ko na napahigpit ang kaniyang pagkahawak sa aking kamay.
Napatingin naman ako sa kaniya, at pansin ko rin na pagod na pagod na rin siya. Kaya nakaramdam ako ng awa sa kaniya pero hindi kami pwede na tumigil kasi mahuhuli kami nung lalaki. There are so many things that runs into my mind.
Kaya hindi na ako nagpa ligoy ligoy pa kaya nagsimula na akong maglakad hila hila ko siya. Medyo hindi ko na alam kung saan ako dadaan sa makapal na gubat na ito.
Ngunit nagulat naman ako nang mauna siyang maglakad.
Napatigil naman ako ng saglit at tumingin naman ako sa kaniya.
Lumingon siya sa akin pabalik.
“I know the way po ate,” wika niya sa akin.
Oh!
Good, kasi mas lalo lang kami maliligaw kapag pinagpilitan ko ang aking sarili na manguna sa kaniya like a big sister, so I won’t and I will not do that.
“Many things happened to me ate, and every time he played with us, he let us loose in this thick forest and play with us like animals,” she sadly said.
“Wait, what?” napatigil ako. “Us?” tanong ko sa kaniya, at tumango naman siya sa akin. Napabitaw ako sa kaniyang kamay at napatakit ako sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Edi ang ibig sabihin niya ay marami pang bata na katulad niya na nakakulong sa bahay nung lalaking creep na iyon.
Hindi maprocess ng aking isipan yung mga nasabi niya sa akin.
“Asan sila?” tanong ko sa kaniya.
“Dead or imprisoned,” wika niya. The fact that she just said that so casually proves to me na ganun nga ang nangyari sa kaniya.
She is either tortured brutally by this man. He is not making me happy and I am glad to torture him in any way I can.
“Bakit hindi ko sila nakita kanina?” tanong ko sa kaniya.
“That man is good at hiding secrets big sis, there is a basement down below and he lures lost children to his house imprison them, and make them one of his play toys,” sagot niya sa aking tanong.
Lalo akong napatigil sa aking paglalakad dahil hindi ko naman pwedeng hayaan na lang na ganunin niya ang ibang bata na nastuck sa kaniyang bahay.
Ngayong narinig ko na yun ay hindi pwede na hindi ko sila babalikan, so I made a pledge to myself na babalikan ko sila.
Hinawakan ko ulit siya sa kamay at nagpatuloy ulit kami maglakad at ako naman ay hinang hina na ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaction sa mga nangyayari.
“Ate Elle, I was able to escape but... others are harmed because of that, I want to go back,” pilit niyang pagkakasabi at ramdam na ramdam ko iyon.
Dahil dun ay muli akong napatigil sa aming paglalakad at lumuhod ako sa kaniyang harapan, magkaharap kami ngayon at tiningnan ko siya sa mukha.
“Are you telling me that he is the one responsible for all those explosions that happened?” tanong ko sa kaniya, muli ay tumango siya sa akin ng mabagal.
Nanuyo naman ang lalamunan ko dahil dun. I can’t believe na magagawa niya yon. For just taking back this kid.
He did put an emotional scar inside her mind.
Hindi ko na talaga alam ang nangyayari.
Tumayo ako ng dahan dahan, dahil sigurado na ako na hindi si Makarov at ang kaniyang mga bataan ang may pakana ng lahat ng ito.
Nagpatuloy kami ulit sa paglalakad at siya ang gumagabay sa akin palabas sa gubat na ito. Marami akong gustong itanong sa kaniya, pero hindi ito ang tamang lugar para sa ganung klase ng usapan. Dumaan ang ilang oras, at narating din namin ang labas ng gubat.
Kaagad kong nakita ang komunidad na ngayon ay nagbubugay na ng makakapal at maiitim na usok patungo sa kalangitan. Mukhang napatay na nila ang apoy.
Kaya hindi na kami nag aksaya ng oras, at naglakad kami papunta run. Maya’t maya lamang ay nakarating na rin kami roon.
Pumasok ako sa isang butas na hindi pa natutukan ng mga tao, ito ay isa ring butas na dahilan sa pagkatupok ng apoy, sa matataas na kahoy na siyang nagbigay proteksyon sa mga tao rito sa loob ng mahabang panahon.
Kaagad naman kaming dumeretso sa bahay kung saan nanunuluyan ang doktor, at sa pagkakataong ito ay hindi na ako papayag na mahiwalay pa sa akin ang batang babaeng to.
Sigurado ako na hindi papayag na matalo lang namin siya ng ganun, kaya ang gagawin niya ay babalik siya rito para mabawi ang kawawang batang ito sa aking mga kamay at sisiguraduhin ko sa kaniya na handa na ako sa kaniyang pagbabalik. Hinding hindi na talaga ako papayag na makuha niya ulit sa akin si Cass.
Hindi... ako ang babalik sa kaniya.
Gusto kong iligtas yung ibang bata na nakulong niya. Hindi ako papayag na ganun ganun na lamang ang mangyayari sa kanila.
No, there are things like this that we did not expect coming at us. I was genuinely surprised when she said that to me, because that creepy dude that chased Cass, was a freaking maniac, who likes to torture and murder kids.
Hindi ko alam bakit naging ganito ang mga tao? Did the pandemic have driven them insane? Well I don’t know because I am not there for them when they lose their cool.
Or sadyang ganun na lang ba talaga ang bawat tao sa mundong ito?
“Doc,” tawag ko sa doktor na abala sa pag gamot sa ibang taong sugatan. Narinig niya naman ang aking mga sinabi kaya hindi na ako masyadong namroblema sa pagkuha ko sa kaniyang atensyon.
“Bakit?” tanong niya sa akin, napatingin naman siya kay Cass. “Nakuha mo ang bata,” remarka niya, at inilapit ko naman si Cass sa kaniya para magamot niya ito.
“Lapit ka rito ija,” wika niya, at lumapit naman si Cass sa kaniya at ako naman ay luminga linga dahil nawawala ang aking tiwala sa ibang tao.
Ayaw ko nang maulit yung nangyari kanina, naiinis ako.
Lumapit ako sa doktor at patuloy ako sa paglinga linga dahil baka mamaya ay may kaaway in the midst of us.
“Kailangan natin mag usap,” wika ko sa kaniya at napatigil naman siya sa pag pahid ng bulak na may alcohol sa mga sugat ng batang babae.
“Huwag muna ngayon, marami ang nangangailangan ng tulong ko,” bulong niya sa akin pabalik, at alam ko naman iyon kaya lumayo ako ng kaunti.
Tiningnan ko naman si Cass na mukhang hindi na talaga nasasaktan sa mga ginagawa ng doktor sa kaniyang mga sugat. Halatang halata naman na sanay na siya sa mga nangyayari, kaya kumirot ang aking puso. There are so many things that she went through and I cannot imagine those things.
The pain at such a young age, and for some reason, I can relate myself to her. Pero kahit ganun ay hindi dapat na maranasan ng mga bata ang ganung klase ng pagtrato.
Mas masahol pa siya sa mga infected na aking nakita ang mga nakaraan. Minsan na lang ay nagtataka ako kung sino ba talaga ang aking kalaban, ang mga infected ba o ying mga tao?
Kaya naupo ako dahil napagod din ako sa mga nangyari kanina.
Nakita ko naman si Dan na umupo sa aking tabi, at napalingon ako sa kaniya.
“What’s up?” tanong ko sa kaniya.
“Ito pagod,” sagot niya sa akin pabalik.
“Bakit anong ginawa niyo?” tanong ko.
“Sis, hindi mo ba nakikita? Ang daming tao na nangangailangan ng tulong natin oh, kanina pa ako run sandok nang sandong ng mga pagkain,” sagot niya sa akin. “Tulong tulongan mo naman ako pag may time,” wika niya.
“Yow, hindi mo alam what I went through earlier,” sagot ko sa kaniya at medyo napataas ang tono ng aking pananalita sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin baba hanggang taas, na tila ba ay sinusuri niya ako ng maigi.
“San ka ba galing?” tanong niya naman sa akin.
“Saving that girl,” sagot ko sa kaniya at tinuro ko naman sa kaniya ang batang babae na ginagamot ngayon ng doktor.
“Oh,” wika niya.
“Yes, and I need some rest,” wika ko at tumayo naman ako para pumunta sa isang lugar kung saan ako pweden-
Oh god... bumalik ako sa doktor, at umupo ulit sa tabi ni Dan binabantayan si Cass.
I won’t leave her again.
-Raging Minds-