TBW SERIES1: FIFTEEN

777 Words
Masaya ang puso ni Amelia habang pinapanuod ang binata na interesado na nakikipag-usap sa kanya mga kapatid habang sabay-sabay sila naghahapunan. Maliban sa isa na hindi na naman sumabay si Debbie sa kanila.Alam niyang hindi nito gusto makita ang lalaki. She sighed.Wala naman siya magagawa kung ayaw ng huli pakisamahan ang binata. "Wow,you mean bilyonaryo ka pala! I'll check it out later," aniya ni Erin. "Kung ganun pala kung nabubuhay lang si ama,I'm sure magkakasundo kayo pareho kayong businessman," anang ni Veron. Dave just smiled,yung tipo ngiti na namamangha sa pakikipag-usap sa kanya mga kapatid na makukulit. "Mabuti na lang natagpuan ka ni Ate Amelia.." may panunukso sabi ni Erin sabay tingin sa gawin niya. "Instant billionaire na agad si Ate Amelia!" segunda ni Veron na nakipag-apiran pa sa huli. "Mayaman naman tayo,hindi kailangan ni Ate Amelia ng pera niya," sabad ni Senneth,ang walang imik na kapatid.At magsasalita lang ito kung gugustuhin nito. Natahimik ang mga ito. Walang emosyon na bumaling ang kapatid niyang si Senneth sa binata. "Sa pamilyang ito,hindi pera ang kailangan namin..kundi tiwala at malayo sa kapahamakan.." usal nito. Si Senneth ay siyang may malapit na ugali tulad ng Kay Debbie. "Kung ipapahamak mo lang kami isipin mo na lang ang pangalawa buhay na binigay sayo ni Ate Amelia.." dagdag nito. "Sen..tama na yan,di ka pa ba nagtitiwala sa kanya ? Tanggap na niya tayo at wala naman tayong magagawa na kung hindi tanggapin na din siya dahil siya ang lalaki itinakda para kay Ate Amelia," pagsawata ni Veron rito. Nakita niya ang pagngunot-noo ng binata. "Itinakda? What does it mean? Yan din ang narinig kong pinag-uusapan niyo," puno ng kuryosidad nitong bulalas binalewala ang mga sinabi ng kapatid niyang si Senneth. Wala agad nakaimik sa kanila. Hanggang sa may magsalita sa kalagitnaan ng katahimikan. "Hindi mo na kailangan malaman pa lalo pa't lilisanin mo rin naman ang lugar na ito," si Debbie. Seryosong-seryoso ang mukha nito nakatingin sa lalaki. "Sa tingin ko naman natanggap mo na ang katotohanan na buhay ka pa at ang tungkol sa uri namin. Bakit hindi ka pa bumalik na sa inyo?" "Debbie," saway niya rito. Bumaling ito sa kanya. "Kailanman,hindi maaari magsama ang mga tulad natin sa mga tao,kahit na siya pa ang itinakda sayo at alam ko ganun din ang opinyon mo,Ate Amelia kaya nga ginagawa mo ang lahat para pigilan mo ang iyong sarili na..."pagbitin nito sa sasabihin para bumaling muli sa lalaki at buong tiim na tumitig rito. "..isakatuparan ang nakatakdang mangyari," pagtatapos nito sa sasabihin. Muling binalot ng katahimikan ang paligid at may kasama ng tensyon ngayon na naroroon na si Debbie. "Hindi ka dapat magaspang sa pakikitungo sa kanya,Debbie...respetuhin mo siya para sa akin.."maawtoridad niyang usal niya rito. "Mga Ate...tama na yan,nasa harap tayo ng hapag-kainan," pagsingit ng kanilang bunsong kapatid na mababakas ang pagkabahala at pag-aalala. Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib at marahang bumuga ng hangin. "Pasensya na,Gabbie..." turan niya sa kapatid. Balewala na umalis si Debbie.Dismayado siya sa inasal nito.Sumulyap siya sa kinauupuan ni Dave na mataman na nakatitig sa kanya.Isang ngiti ng pagpapaumanhin ang pinukol niya rito. Mahimbing ng natutulog sa tabi niya ang binata.Matapos ang hapunan,inaya niya ito sa hardin para magpahangin.Hindi ito nagtangka pang ungkatin ang nangyari sa hapunan at ikinahinga niya iyun ng maluwag.Nang makaramdam na ito ng antok agad niya ito inaya umakyat na ng silid nito. Hindi naman siya hinayaan umalis agad ng silid nito hinayaan niya yakapin siya nito habang magkatabi sila sa kama. Nakangiti pinagmasdan niya ang mukha nito.Napakagwapo nito.Lalaking-lalaki ang hitsura nito. "Amelia..wala ka bang balak gawin ang dapat na mangyari sa pagitan niyo ng lalaki iyan?" bigla pag-alingawngaw ng kanya inner wolf.Dagli nawala ang ngiti sa kanya mga labi. Mariin niyang pinagmasdan ang lalaki bago siya nagpasya umalis sa tabi nito.Tinungo niya ang terasa. "Amelia..alam mong mahihirapan ka kapag hindi iyun naisakatuparan!" muli alingawngaw ng inner wolf niya. "Kapag Sinabi ko sa kanya mapipilitan siya gawin yun dahil sa utang niya ang buhay niya sa akin,"dismayado niya tugon rito. Hindi nakaimik ang kanya inner wolf.Mapait siya ngumiti sa sarili. "Gusto ko maging normal ang lahat,gaya ng mga tao...nagmamahal sila dahil iyun ang nararamdaman ng kanila puso at ganun din ang gusto ko mangyari samin ng lalaking itinakda sa akin," aniya. "Pero dahil tao siya posible mahalin niya ang isang tulad ko," puno ng pait niya usal. "Kaya pasensya na,sa tingin ko kaya naman natin lagpasan yun,"aniya. Hindi na umimik pa ang inner wolf niya. Nilingon niya ang natutulog na lalaki. " Masaya ako na natagpuan na kita pero minsan kailangan tanggapin na hindi lahat ay taLaga para sayo,"may lungkot na sabi niya sa kawalan, salita na para sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD