Nang makarating sila sa town house niya na nasa taguig agad niya pinagpahinga si Amelia.Halos limang oras din ang tinagal ng biyahe nila at alam nito na kailangan niya makausap ang dalawa kaibigan na naghihintay sa bar area ng bahay niya. Nagsasalin na ng alak si Kian sa kopita at agad na lumapit siya sa mga ito na magkatabing nakaupo sa high stool chair. "So,tell the story,dude," simula ni Tyron ng tanggapin niya ang kopita na inabot sa kanya ni Kian. Bigla niya tuloy namiss ang Rose Tea ni Gabbie.Yeah,ayaw na niya ng inumin ang nakasanayan na niya inumin mula ng matikman niya ang tsaa ni Gabbie. Gayunpaman,sumimsim pa rin siya sa red wine na hawak. "Alright," umpisa niya ng ilapag ang kopita sa bar counter at sumandig patagilid roon. "Pabalik na ko ng maynila ng hapon iyun since na

