Igna's POV
Pinaghahandaan na namin ni Gale ang mga ganito, at kami ay nag-eensayo para palakasin ang aming abilidad.
Sa dalawang linggong lumipas, ganon lang naman ang routine namin-pag Sabado't Linggo umuuwi kami sa bahay, at minsan nag-gagala rin kami ni Gale.
Sa dalawang linggo na iyon, kay Gale lang talaga umikot ang mundo ko haha.
Kung dati ay sa kanya...
Hindi naman samin sumasama si Atom dahil bukod sa may girlfriend siya, marami rin siyang ginagawa. Isa rin siya sa mga napiling bigyan ng misyon, kasama ang ibang royalties at elites na estudyante.
Oo, may iilang royalties at elite dito mula sa iba't ibang kontinente at doon siya napapasama-o baka kaibigan pa niya.
Kaya kaming dalawa nalang ni bakla ang nag-gagala at nag-eensayo para sa paparating na power-scaling at duel event.
*/Flashback
"Buti di ka nabuburyo sa buhay, sissy ko," ani Gale habang nasa library kami at nagre-review.
Ngayon lang kami nagkaroon ng chance mag-review dahil sa pag-eensayo. Bukod doon pareho rin kaming may free time dahil hindi kami magkaklase.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang nakatutok sa libro.
"Like, duhh. Syempre bukod sa ako lang ang kaibigan mo, wala na akong nakikitang iba pang kasama mo."
Natawa ako sa "duhh," pero nagpatuloy pa rin sa pagbabasa.
"May masama ba ro'n?" tanong ko.
"Well, di naman kita masisisi kung ako lang ang bukod-tangi mong kaibigan. Sa ganda ko ba naming 'to-Gale Ravenborn-aarte ka pa ba?"
Natawa ako at napangiti nalang sa mga pinagsasabi niya.
"Haha."
Napatingin ako sa kanya. Kanina nagyayabang, ngayon nakakunot ang noo.
"Bakit, sissy ko? May magsisisi ka pa ba sakin, ha?" nagsisimula na siyang maging maingay, sabay hampas sa libro niya.
"Wag ka ngang maingay," saway ko.
"Tell me, tell me sissy, tell me!"
Umiingay siya kaya napatingin ako ng seryoso dahil sisilaban ko talaga siya nang buhay.
"Tell meee..." bulong niya, kaya natawa ako.
"Ok lang naman ako kahit ikaw lang. Besides, ayoko ng madaming kakilala," sagot ko.
Napa-"ha?" siya at mukhang lumilipad nanaman ang utak.
"Sabi ko, ok lang na ikaw. Ayoko ng madami. Magulo."
"I know di ako bingi. Pero anong ako lang?"
Pfft. Seryoso ba 'to?
"Sissy ko don't laugh at me when we are in a serious mode, ookay?" naka-cross arms pa.
"Anong... ano ba yun?" tanong ko, litong-lito na rin.
"My gosh sissy ko, sabi mo ako lang-don't tell me..."
Nanlaki mata niya, tinakpan ang bibig.
Ano nanaman napasok sa utak neto?
"Sissy ko, oh naurrr. Di tayo talo!" sabay hampas niya sakin.
"Anong hindi tayo talo?"
Ang lakas niya makahawa ng kabaliwan.
Para siyang nandidiri, napapapikit, parang kinikilabutan.
"Sissy, alam kong mahal kita pero di ako kumakain ng tahong na basa! Iwww, look oh, nandidiri ako." Acting niya pa talaga.
Binatukan ko siya. "Ano bang pinagsasabi mo ha?"
"Ang sabi ko, ikaw lang ay sapat na bilang kaibigan. Kung saan-saan nalipad utak mo."
"Omg ka sissy, I love you na talaga. Oo sissy ko, lumilipad utak ko dahil kanina... nalasap ko ang langittt."
May matching kilig pa.
Huh? Ano daw? Langit?
"Pinagsasabi mo?" tanong ko, nalilito.
"Ahm, nothing sissy ko hihihi," sagot niya, obvious na may inaalala.
"Ewan ko sayo."
Di ko na siya tinanong pa. Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagbasa.
"Pero sissy ko... I miss the old you," sabi niya nang may lungkot.
Tinignan ko siya, pero nag-focus na rin siya sa pagbabasa. Kaya bumalik nalang din ako sa libro.
Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, pero... di naman basta-basta bumabalik ang isang bagay, diba?
*/End of Flashback
Nakahiga lang ako, iniisip ang mga bagay na naaalala ko-hindi lang dito sa school, pati sa buhay ko sa labas ng akademya.
Akala ko kapag royalty ka, madali lang. Pero kabaliktaran ang nangyayari.
Hindi ito yung "typical princess thing" sa mga nababasa at napapanood ko.
Mahirap-dahil isa ka sa titingalain ng mga tao sa Pyro Kingdom.
Iba-iba ang ideyolohiya at pamumuhay ng mga tao dito.
Hindi porket prinsesa ako, sikat na ako-o dapat katakutan.
Hindi.
Dito, isang simpleng estudyante lang ako na gustong mag-aral, magpalakas, at gumaling.
Dahil balang araw, ako rin ang magiging reyna ng aming kaharian.
Tok tok.
Narinig kong may kumatok. Bumangon ako at binuksan ang pinto.
"Sissy ko," si Gale lang pala.
"Sandali."
Pagkabukas ko, nakita ko siyang naka-pambahay-gray silk shirt at pajama.
"Kakain na, sissy ko. Mamaya ka na mag-'duket' diyan."
Iniwan niya akong nakatayo. Duket? Ano daw?
Bigla siyang humarap ulit at lumapit.
"BTW omg good morning sissy ko!"
Yumakap pa at humalik sa pisngi.
"Good morning din."
"Baho ng hininga mo sissy, mag-toothbrush ka muna eww."
Nagpatakip pa siya ng ilong gamit ang isang daliri. Paka-arte.
"Tss, sige na. Baba na ako. Wait lang," sabi ko at tinaboy siya palabas bago ko sinara ang pinto.
"Don't forget to wash your kiffy ha! Mamaya nandiyan lang yan sa tabi, bigla ka niyang tirahin!"
Rinig ko kahit sarado na pinto. Aga-aga dumi ng isip.
Nagpunta na ako sa banyo para mag-ayos.
Gale's POV
"La la la la laaa~" kanta ko habang pababa ng dorm pagkatapos kong talikuran ang kwarto ni sissy ko, Igna.
Bigla nalang-BOOM-parang may niluwa ang hallway.
"Owemjii..."
Napakapit ako sa bibig.
My gosh ba't siya naka-hubad!?
Sumilip ulit ako. Nakatayo siya-at napatingin ako agad sa baba dahil...
Owemji.
Isang puting boxer lang suot niya... at isang malaking-sawa.
Sawa??!
Napatingin ako sa kanya; blanko lang mukha niya.
Agad ko namang iniwas tingin dahil sa kalandian ko.
MY GOSH I CAN'T TAKE THIS ANYMORE!
Nagpatuloy nalang ako pababa. Kailangan ko siyang iwasan.
"Good morning," malalim at matigas niyang boses.
Huminga ako nang malalim. Ang OA ko.
Napalingon ako at ayun siya-nakangisi yata? o ako lang?
"M-Morning," sabi ko sabay hampas sa kanya. WAIT WHAT??
"Bakit?" tanong ko agad.
Napakunot noo lang siya. Psh.
Ayun... tumalikod na siya.
"Ligo lang ako," aniya, na parang may ngisi pa.
My body is disobeying me!!
Buti nalang naka-baba na ako.
"That was omggg..."
Sa kabila ng pinaggagawa niya, kinikilig pa rin ako.
Sorry guys, marupok ako.
Oo, si Atom pa rin ang mahal na mahal ko at di ako makamove on!! Char.
Lumapit ako sa sala. Hindi lang kami tatlo-may iba pa.
Una si Ryu, the Sand Prince of Royanadia in Terro Kingdom.
Si Ryu cute-pogi. Pero wait, teka, di kami talo-straight siya. i mean parang wag na talaga sya
Sobrang babyface unlike nung isa... sobrang brusko kahit magkasing-edad lang sila.
"Hiii Ryuuueee~!" bati ko.
"Hm. Morning."
O diba, batian portion kami. Haha.
Umupo ako, hinihintay si Igna.
Bakit kami magkakasama?
Siyempre kami ang royalties ng continent na ito kaya pinagsama-sama kami.
At isa pa-si Blizz, the Ice Prince of Hydro Kingdom.
Si Blizz kabaliktaran ng element niya. Super approachable, palangiti, soft guy.
Para ring womanizer dahil sa asta niya.
Isa rin siya sa close ko dito pag nandito sila.
"Ryue, asan si Blizz?" tanong ko.
Feeling ko tulog pa si baby Blizz-baby ka dyan hehe.
"Baka tulog pa."
"Okkaay."
Napatingin ako kay Ryu at seryoso siyang nakatingin sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit?"
"Wala."
Muntik na 'ko don. Baka isipin niya crush ko-slight lang.
Si Ryu kasi yung tipong di ka kakausapin pag di mo kinausap. Mukha siyang suplado kasi singkit, pero mabait naman pag kilala mo.
At malakas din siya.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
"Oo."
hala ang maldita ko
Sabay baba nila Igna, Blizz at Atom. Kumain na kami ng almusal.
these past few days sabi ko sa sarili ko masaya ako pero talagang mapaglaro ang tadhana sakin.
araw-araw akong binibigyan ng pagsubok ni lord. awa nalang oh
***
andito ako sa likod ng academy para magpahangin at mag focus sa mga gagawin ko or di kaya dito rin gumawa ng mga project at assignment.
masyado akong distracted palagi sa dorm dahil nga andon si gago
minsan kasama niya pa yung gf niya para ibalandra, like what the effin f? dedma sa inyo mga che!
gabi na at kumpleto ang mga gamit ko para sa aking gagawin ay ang mga projects at aralin ang mga dapat aralin.
madilim ang paligid pero may liwanag naman na nagbibigay dito mula sa buwan.
underworlds...
bigla nalang pumasok sa isip ko.
i feel ease at the moment kasi wala namang problema ang underworld sakin bagkos isa pa itong dahilan para magpatuloy lumaban sa buhay.
sa underworld kasi ako natagpuang maganda, charott!
i say i just feel me pag nasa underworld ako i mean the real me!
kahit sobrang dark and gloom ng places ay kabaliktaran naman ito ng nararamdaman ko.
underworld is not the places you can go with as long as you are not the one who dare to them. oh loko
pero think of it maraming kalaban ngayon ang naghahari-harian at nag rereyna-reynahan sa lugar na gusto kong paglagyan.
its ok, as long as they dont get in my way, ay walang magiging problema, right?
Pagtapos ko sa mga ginagawa ko ay umalis nako at tumingin sa dilim at nginisian. naramdaman ko ang gulat at takot nila, di ko maiwasang matawa dahil kanina ko pa nararamdaman na may nag aala spy here sa sorrounding ko.
naging alerto sila at binabantayan ang kilos ko if aatake nga ba ako or nah uh.
bala sila diyan, dedma ang beauty ko sa kanila at ako ay magpapahinga na.
Dio's POV
Ang umaga sa Royanadia Academy ay punong-puno ng ingay-mga estudyanteng naglalakad sa mga malalawak na koridor, nagtatawanan, nagmamadaling pumunta sa kanilang mga klase. Pero sa gitna ng kaguluhang iyon, tila may sariling aura ang isang lalaki. Ako.
Ako si Dio. Pinag-uusapan, hinahangaan, at oo, kahit ipagkakagulo-kilala sa buong akademya hindi lang dahil sa aking lahi bilang demi-god, kundi sa galing at impluwensiya sa lahat ng aspeto ng kapangyarihan. Ang Lightark ko ay mas matalim sa isip ng karamihan, at halos lahat ng galaw ko ay sinusundan-sa tingin o sa damdamin-ng mga estudyante.
"Bro, sandali, tingnan mo 'tong notes mo," sabi ni Lazarus habang iniabot ang papel.
Pinagmamasdan ko ito ng isang ngiti, isang halo ng kabaguhan at aliw. "Sigurado ka bang kailangan mo pa ng tulong ko sa transfiguration? O baka gusto mo lang makipag-flirt sa teacher natin?"
Nagbiro siya, tumawa kami ng kaibigan ko. Larko naman, nakaupo sa tabi, tila abala sa pagsusulat, ngunit nakatingin sa akin tuwing may bumanggit ng Lightark.
Napangiti ako, habang pinagmamasdan ang tropa ko-lahat may kanya-kanyang talento, ngunit alam kong sa harap ng panganib, sila'y maaasahan. Laz, impulsive tulad ng dati, nakangiti habang pinapalakas ang kamay sa mga holographic simulations sa mesa. Atom, strategist, at Larko, analytical. Ako? Ako ang balanse, ang lider, at sa kadalasan, ang pinaka-pinipili ng lahat na sundan.
Habang nagkukwentuhan at nagtatawanan kami, hindi maiwasang dumapo ang alaala niya sa isip ko.
"Sana nag-aaral rin siya dito," bulong ko sa sarili ko, na may halong pangungulila at pagka-inis.
Naalala ko ang huling encounter namin sa ilalim ng liwanag ng ilaw sa bahay-ang kanyang tamad na reaksiyon sa anumang pwersa ng edukasyon, ang mukha niyang nagrereklamo, parang bawat leksyon ay pilit. Napailing ako, hindi makapaniwala sa kakulangan ng disiplina niya.
"Tamád ka nga mag-aral," sarkastiko kong bumulong sa alaala niya. "Baka pati ang darkight mo ay manghina kung hindi ka magpapakadalubhasa."
Isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa isip ko, halong pangungutya at pagka-irita. Ngunit sa kabila nito, alam kong may potensiyal siya-malakas, matalino, at bihasa sa Darkight. Kung papayagan niya, puwede niyang balansehin ang kapangyarihan ko at ang impluwensiya niya sa mundong ito.
Nagpatuloy ang hapon sa akademya. Pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng nagtatangkang lumapit sa akin, humihingi ng payo o simpleng nakatingin lang sa awe. Kilala ako. Sikat. Malakas. At higit sa lahat-magaling. Ngunit sa bawat papuri at tingin ng paghanga, naroon ang kakayahang magbigay ng responsibilidad, na sa hindi inaasahang pagkakataon, ay maaaring magtulak sa kanila sa panganib, o magbukas ng pintuan sa mga lihim ng mundo.
"Dio, ready ka na ba sa next class?" tanong ni Scyra, nagbiro habang inaayos ang gamit.
"Tiyak," sagot ko, at sa tingin ko, alam niyang alam niya na ako ang palaging unang nakaka-grasp sa konsepto. "Pero sana siya nandito rin. Makakatuwa siguro kung mararanasan niya ang akademya-kahit konti."
Ngunit alam kong hindi iyon mangyayari. Tamad siya. At sa halip, nagdudulot iyon ng galit at aliw sa akin sabay-sarkasmo: Kung tamad ka, baka mas maganda kung manatili ka sa iyong mga alley at arena, prince of shadows.
"Dio! Check this out!" sigaw ni Larko, habang hawak ang isang bagong artifact sa kanilang araling combat.
"Haha, ayos 'yan, Ryue. Pero alam mo naman, kahit sino, kayang-kaya nito kung may utak... at lakas," sagot ko na may nakangiting kumpiyansa.
Kasama niya sa hallway sina Scyra at Kya, nag-uusap habang naglalakad patungo sa training grounds. "Bro, nakita mo ba si atom kanina?" tanong ni lazarus.
"Oo, parang nag-eensayo sa battle field. Ang bilis niyang mag-adapt, talagang nakaka-frustrate," sabi ni Larko, sabay tawa.
Habang naglalakad, biglang pumasok sa isip ko ang alaala ko sa kaniya.
Napangiti ako sa sarili, sabay biro sa tropa niya, "Alam nyo, kung nandito siya, baka nakakahawa pa siya ng tamad vibes. Hindi talaga para sa kanya ang academy life, hay naku!"
"Dio, baka naman medyo matalim na 'yan, ah," sabi ni Larko, sabay tawa.
"Matalim? Hindi, totoo lang!" sagot ni ko,
Lumapit sila sa training arena, kung saan may mga estudyante na nag-eensayo ng iba't ibang elemento. Agad na naramdaman ko ang tingin sa kanya ng mga bagong batch - parehong paghanga at pag-usisa. Hindi niya maiwasang mapa-smirk, alam niyang ang kanyang reputasyon ay bago pa man siya pumasok sa arena ay kilala na ng lahat.
Habang nag-aayos ng kanyang kagamitan, lumapit si scyra, na may halong irritasyon at paghanga. "Dio, kailangan mo bang ipakita palagi na pinakamagaling ka?"
"Syempre, Scyra. Kung hindi ako, sino pa?" sagot niya, sabay tawa. "Pero relax ka, hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang ma-challenge ang sarili ko... at yung tropa ko."
Bigla, tumunog ang emergency alert sa academy. Ang mga estudyante ay nagulat at nagkatinginan. "Council message," sabi ng isa sa instructors. "May bagong intel sa underground movements sa Upperworld. Kailangan ng immediate briefing ang top students."
agad na nagbago ang mood ko, lumapit sa mga tropa at seryosong sabi: "Laz,Lark,Atom... ready tayo. Mukhang may kinalaman ito sa Order of the Ashes o sa mga Xenonian. At alam nyo na, kung may gagawin tayo, gusto kong ako ang nakakauna sa front line."
Napatingin ako sa malayo, sa pinto ng briefing room, at napaisip muli tungkol sakanya. "Sana kahit minsan, nandoon siya... pero siguro tama na rin na wala. Higit pa rin sa lahat, dito ko kailangang maging matalino at malakas para sa lahat."
Ang eksenang iyon sa akademya, puno ng kaibigan, tawa, at pagmamasid, at usap.
Naglakad ako sa patagilid na hallway ng Academy, ang hakbang ko ay malumanay pero may bigat-parang bawat kilos ko ay may alon ng liwanag na hindi nakikita ng iba, ngunit ramdam nila sa aura ko. Ang isip ko ay nakatutok kay Xana, hindi dahil sa simpleng dahilan-may gusto akong iparating, may kailangan akong linawin, at oo, medyo curiosity rin.
"Dio, wait! Don't tell me you're finally gonna flirt with Xana?" sigaw ni Larko mula sa likuran, halong excitement at pagka-bibiro.
Napangisi ako ng bahagya, hindi agad sumasagot. Alam ko ang tono niya-teasing, predictable, at familiar. Ngunit may bahagyang init sa dibdib ko na hindi ko inaamin.
"Seriously, Dio, baka naman she'll like you more if you try," dagdag ni Lunc, sabay tawa at sulyap sa akin, halos halakhak sa likuran ko.
Hindi ako agad tumugon. Ang mundo ko ngayon ay simple lang: hakbang, presensya, at kontrol. Pero sa bawat hirit nila, naramdaman ko ang init ng attention-hindi lang sa akin, kundi sa interplay ng aura at kung paano nakaka-react si Xana kapag malapit ako.
"Gusto n'yo bang malaman kung paano ko siya pupuntahan?" tanong ko sa kanila, medyo smug, halong playful pero may lihim na intensity.
"Of course! Spill it, Dio! We wanna see!" sabay sabay nilang sigaw, halos sabik na makita ang reaksyon ko.
Ngumiti ako, pero panatag ang loob. "Simple lang. Direktang approach. Wala nang paligoy-ligoy. Pero," biglang huminto ako, tumingin sa kanila, "bakit parang masaya kayo sa idea na tatawa siya sa akin?"
Tumawa si Scyra, halatang excited. "C'mon Dio! You're so serious all the time. We just wanna see if someone can handle you too."
Tumigil ako sandali, iniisip ang dynamics. Lightark ko ay bahagyang kumikislap sa ilalim ng balat ko, parang nagbabantay sa bawat galaw ko, bawat tingin, bawat malambing o mapang-akit na vibe na puwede nilang mabantayan.
"Fine," bungad ko, tumingin sa direksyon ng opisina ni Xana, "pero remember-ito ay hindi laro. Ito ay... interaction. At ako ang nagko-control."
"Yeah right, control," maikling biro ni Larko, sabay tawa, habang pinagmamasdan ang aura ko na tila nakaka-intimidate kahit hindi ko ito sinasadya.
"Dio, sure ka ba na kaya mong humarap kay Xana without tripping over your own charm?" biro ni Atom, sabay tawa.
"Yeah, don't embarrass yourself, Dio. Remember, she's not just another fangirl," dagdag ni Scyra, pinupuna siya habang sinasadyang i-push ang balikat niya.
Napangisi si ako at bahagyang ngumiti. "Relax, guys. Alam ko ang ginagawa ko. Hindi ko kailangan ng pep talk nyo para makasabay sa laro."
Habang naglalakad sila, sinubukan ni Kya na i-flirt ang tropa ni ko para aliwin siya. "Oh Dio, baka ma-late ka na sa love appointment mo. Sana ready ka na sa charm mo, ha!"
"Gurl... calm down. Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili, sabay pilit kong inignore ang banat ng tropa. Ngunit sa likod ng ngiti, bahagya akong napapangiti sa kakulitan nila.
Paglapit namin sa study lounge kung saan naroon si Xana, nakita ko si Xana na abala sa kanyang libro, hindi aware na paparating na siya.
"Alright, stay cool," bumulong si Dio sa sarili. Ngunit bago pa siya makalapit, biglang bumangon si Atom at nagbiro: "Ooh, Dio, tingnan mo, parang heart-eyes emoji sa buhay mo, hahaha!"
Sa kanto ng corridor, huminto ako sandali at huminga ng malalim. "Alright, Xana," bulong ko sa sarili ko, "let's see what you're really like. At sana... hindi mo masira ang aura ko sa unang tingin."
Ang tropa ko ay nagtitili, tumatawa sa maliliit na hirit, pero alam kong sa kanila rin ay may respeto sa kung paano ako kumikilos, confident, at malalim ang strategy sa bawat galaw. Ang momentong ito ay simple, ngunit puno ng subtle tension, teasing, at anticipation-isang laro ng charm at curiosity, bago pa man makarating sa mismong usapan kay Xana.
Someone's POV
"Ang libro ng propesiya ay muling nagbukas," saad ng isa sa mga oracle.
The rise of the fallen beast
shall mankind as it risk
the resurrect need to cease
light and dark shall perish
This is must to be succeed
defeat the evil and greed
thy power thy command
protect the greatest land
Kung ganon, kailangan na naming maghanda. Kung anuman ang halimaw na iyon, hahanapin ko iyon.
Napangisi ako. Kailangan ko itong ipaalam sa aming pinuno.
Kung anuman ang paparating, kailangan namin itong hanapin.
Para sa amin dapat mapunta ang huling halakhak-at masakop ang mundo.
This is not about the status and blood
shall need reunite by bond
they're gonna be ally or enemies
arise of the new elementalist
New elementalist?
Naguguluhan ako.
Ang naiintindihan ko lang-may kinalaman ang mga elementalist sa paparating na gulo.
At sila ang pipigil dito.
Sa madaling salita-malaking banta sila.
Dapat malaman ito ng aming pinuno.
At makapagplano kung paano sila patayin.
sila ang worst generation.
Napangisi ako.
Humanda kayo, mga elementalist-
dahil papatayin namin kayo.