Ilang minuto lumipas nung sinara ni Este ang pinto ng bahay niya para kausapin ako. Kita ko sa mga mata niya na hindi niya na kaya. Bukod sa di niya mahal si Nigel, di niya ramdam na mahal din siya nito. Nakatali sila pareho sa relasyon na puro pera lang ang habol. Hindi masabi ni Estella na ayaw niya na. Na hindi na niya kaya pakisamahan asawa niya. At sa lungkot na namatay yung isang baby nila na si Katie.
Unti-Unti humihinga siya ng malalim. Umupo siya sa sahig dahil siguro hindi siya makapahinga at di naman siya tinutulungan ng mga katulong nina Nigel.
"Paano na ito Beth, hindi ko gusto ito." Sabi niya tas tinaas niya braso niya para hatakin ko upang makatayo siya ng maayos. Puro pasa ang kanyang katawan. Di ko napansin ito kanina, may sugat pa siya sa kamay niya.
"Anong nangyare sayo?" Tanong ko,
"Nahirapan ako mag hiwa ng gulay kasi di ko pa naranasan yung pagluluto. Nagalit pa sina Nigel dahil nasunog ko yung gulay at karne.” Napabuntong hininga siya. Sabay may tumulo na luha mula sa kanan niyang mata. Mukhang pagod narin siya. Pero kailangan sabihan ko siya tungkol kay Benny. Hindi maganda mangyayare kung di niya ito malaman agad.
"Darating si Benny. Kailangan mo magtago kay Nigel." Sabi ko, sumisikip dibdib ko, kinakabahan habang nagsasalita. “Hindi siya dapat pumunta dito..." Nahihilo na si Estie, parang isang minuto nalang, babagsak sa pagod yung katawan niya...
"Pangako pipigilan ko siya. Alam ko naman na mahirap na...Baka tuluyan kayong maging tragic ending." Sabi ko, bigla ko natandaan ang mga nangyare, yung muntikan ng bugbugin Estie nung hinawak ni Nigel braso niya, tas yung mukha niya ay nakatulala. Naku naman, yung brain ko...Di ko maisip bakit ako magiging galit kung kasalanan nito ng Papa ni Estie at parang binenta niya na anak niya dahil mahal gastusin sa medications at chemo therapy ng nanay ni Estella.
"Pag dumating siya, gagawin ko ba ay sumama sakanya? Hindi ito pwede! Papatayin nila parents ko. Hindi ko talaga kaya na ganito....Tumunog yung cellphone ko, naka long sleeve sweater ako and may bulsa sa hoodies ko.
Kinuha ko tas sinagot itong cellphone.
" Parating na ako diyan, nasa airport ako ngayon." Nanlaki mata ko, para akong papagalitan nina Nigel pag narinig niya ako mag reply ng palpak. "Please sa Pilipinas ka nalang, mahal pumunta dito sa Paris. "Gagawin ko lahat para kay Estella. Nandito na ako sa Paris. Siya lang kasi mahal ko, di ko kaya na marinig yung nangyayare na chismis sakanya. Sikat sina Nigel sa Japan dahil isa siya sa pinakamayaman na British malls sa buong mundo. Nalaman ko na yung doctor niyang tatay ay entrepreneur at nagtayo ng mga hospitals eh." Hindi ko maintindihan kung bakit pumayag si Benny sa gusto ng magulang ni Estella noon. Hindi ko rin maitatangi na gusto niya bumalik sa buhay ng ex niya. Naiines ako kasi di niya ginawa na ipaglaban si Estella noon.
"Huh? Please maawa ka sa pamilya ni Estie. Hindi niya pwede iwanan anak niya dito, baka saktan lang ni Nigel katulad nung nag punta kami mall for groceries." Narinig ko ang pagkadismayado niya, unti unti hindi ko matanggap na matigas ulo ni Benny. "Maawa ka saakin din! Nagbayad na ako ticket tas nandito na ako finally, inipon ko yun mula sa anim na trabaho dito. At gusto ko man lang makita si Estie kahit kunin ko siya at pag nahuli ako wala na akong magagawa!"
Sana ako nalang mahal niya. Pero di ko maisip ano gagawin ko. Makita ko na ang sinapit ng mga kaibigan ko. Kahit noon ko pa gusto din si Benny, alam ko hindi siya magkakaroon ng damdamin na gugustuhin ako. Pilit kong pigilan ang pagtulo ng aking mga mata. Hindi pwede ito....Hindi talaga pwede.
"Jusko, pag naayos mo na ticket mo, puntahan mo ako dito. Di ka dapat nag bili ng ticket!" Nagalit na ako kaya tinigil ko ang usapan namin. Si Benedict ay nakakaines kausap ngayon! Puro ganito tanong niya: (Paano na si Estie? Bakit ako pinilit na hiwalayan ko siya? Wala akong pake kung makulong ako.) Ayoko ng ganito, akala ko magiging mas mabuti na ganitong tao ang dapat para sakanya.
"Makinig siya dapat sayo." Buntong na sinabi ni Estie saakin. "Pero mahal mo parin siya diba? Alam ko yun, mahirap na makipaghiwalay sa taong akala mo ay nakaukit sa bato ng tadhana." Paunti unti akong nakikinig ng saglit. Lumabas si Nigel dala ang anak niya at kinakaga niya si Marjen. Nakangiti sila pareho tas tinuturo ni Marjen and mama niya."Mommy! Let's play!" Sigaw ng bata. Napansin ko na pumikit ang mata ni Estella, hindi ko siya nasalo agad kaya ayun...Bumagsak siya sa sahig at natamaan niya yung poste. Nagulat ako!
"ESTELLA!" Pasigaw na sinabi ni Nigel. Sinubukan niya gisingin asawa niya. "Kasalanan mo yan!"Galit kong sinabi kay Nigel. Lumapit ako kay Este at di ko gusto pakinggan mga salita na nakaksakit talaga. "Anong kasalanan ko? Diba asawa ko na siya? I can do anything I want with her, we were just having fun and now she might be sick again."
"Nigel, I know we aren't close naman. Pero hindi ganito! Inaabuso mo na siya. Tawagan mo papa mo o mama mo. alis na ako!"