Lalo pang sumakit ang ulo ni Demetre nang mag-inarte na si Stiffany. Tuluyan na nga siyang nawala sa mood. Lalo ngayon na hindi niya alam kung saan na naman ito hahagilapin. Hindi ri nito sinasagot ang tawag niya. "Darn that woman. Ang arte talaga. Nasaan na ba 'yon?" Pagkausap niya sa kanyang sarili. Sinuyod na niya ang buong second floor pero wala ito. Nag-decide na ang siyang umakyat sa third floor at muling hanapinsa bawat sulok niyon si Stiffany. Isa sa mga pinaka-inaayawan ni Deme ay ang paghahanap sa ayaw magpakita. Para siyang naghahanap ng multo. Saan na naman kaya nagpunta si Stiffany? Hindi naman siya guilty dahil alam naaman niya na wala siyang ginawang masama sa dalaga. Napabuntonng-hininga na lamang sii Demetre habang tinitingnan ang pagtakbo ng mga kamay sa kanyang suot

