Napatingin si Samaria sa kanyang wrist watch to see the time dahil kinakabahan siyang ma-late. Hindi niya rin maipaliwanag mismo sa kayang sarili kung bakit takot siyang ma-late sa usapan nila ni Psyche. Nag-message kasi ito sa kanya na mamaya na lang ulit sila magkita to resume kung ano man ang unfinished business kuno nila dahil nga may naiwan daw si Samaria. Knowing Psyche, strikto 'yon sa oras. Hindi puwedeng pa-petiks petiks. Sa pagmamadali niya, sandali pa siyang natigilan at napaisip. Bakit kaya pakiramdam niya,malapit sa kanya si Psyche? Dahil ba sa ka-boses lang niya si Sam na sinasabi nito? Na hindi alam ni Psyche na si Samaria rin naman mismo? Baka nga dahil lang do'n, dahil wala naman siyang inaasahang magkakagusto sa kanya bilang si Samaria dahil sa hitsura niya ngayon. Impo

