Hindi iniwan ni Psyche si Samaria sa rehearsal room. Nandito lahat ng contestant. He became her acting coach before and during the contest. Grabe lang dahil ramdam talaga ni Samaria ang pagiging coach nito. That he is really eager to make her win this category. Na para bang kilalang-kilala niya si Samaria. She saw how the other contestants prepare for the vocal category at napapalunok na lang siya ng laway seeing how competetive and prepared they all look. Napatingin siya sa kanyang suot na simpleng dress. Napansin yata ni Psyche na panay ang tingin ni Samaria sa suot niya at hindi mapakali. "Kinakabahan ka ba? Don't mind the other contestants. Wala 'yan sa ayos at suot, Ms. Escober. I know you can do it." "S-Sir, k-kinakabahan po ako." Sanay na si Samaria na humarap sa maraming tao,

