Tahimik lang na nakinig sina Sam at Pyche sa sinasabi ni Momah. Daldal ito ng daldal at papuri nang mapuri sa dalawa that they look good together. Habang ang isip ni Sam, lumilipad sa ibang dimensyon. Hindi na nga niya maintindihan at mapakinggan ng mabuti ang sinasabi ni Momah. "So, feeling ko talaga, magiging maganda ang feedback ng customers natin sa product na ito. Kasi, 'di ba, bukod sa katotohanang si Sammy and female endorser, may katandem pa it na kasing kisig ni Adan! Hmmp!" May panggigigil nitong pagtatapos. Hindi man lang nag-comment ang dalawa at parehong tahimik kaya at napataas kilay siya. "Hoy, kayong dalawa, galaw-galaw naman. Wala tayo sa simbahan, pinapaalala ko lang. Sa mukha niyong iyan, para kayong nagdasal ng limang misteryo ng rosary, ah?" Puna ni Momah sa kanilang

