Due to her upcoming cultural performance, nag-decide na lang si Samaria na hindi na pumunta ng bar ngayong gabi kahit na alam niyang hinihintay siya ni Psyche doon. Sinabi pa naman niyang ngayon niya sasabihin ang address at number niya. Lagot na 'yan. Hindi tuloy siya nakapag-practice ng mabuti dahil lipad nang lipad ang utak niya kay Psyche. Siya ang iniisiip nito habang kumakanta. Para siyang lumulutang sa ere. She can't get him out of her mind, now that she's confuse. If this is a fairytale, who really is her prince charming? Si Psyche ba, o si Demetre? Napahawak siya sa kanyang sentido. Sumakit na ang ulo niya kaka-practice. She is this disciplined kapag performance na ang pinag-uusapan, at kahit pa kakanta siya bilang Samaria, hindi naman ibig sabihin no'n na mas lalo niyang gagawi

