Excited ang lahat nang bumaba sila sa Krimson Resort. It is located at the heart of Siargao Island. It is a beautiful white beach island that aims to give tourists a wonderful stay. "Not bad, I was expecting na sa something mapuno tayo magka-camp," maarteng sabi ni Stiffany. "Yeah, me too. Good thing, mukhang classy and decent naman itong resort. Hindi naman mukhang pipitsugi." Si Lala ang sumagot sa kanya habang nakapamewang pa. Ibinaba ni Stiffany ang suot niyang shades para masigurado kung tama ang nakikita niya. Napagawi ang tingin niya kina Psyche at Samaria. Nagsalubong agad ang kilay niya. "That Samaria Escober, kailangan may malaman tayo sa tungkol sa kanya ngayong gabi." "H-Ha?" tila nabinging sagot ni Lala. "Ano ba, Lala? Naglilinis ka ba ng tenga?" Pumagitna si Elijah s

