"Maria, why does that instructor keeps looking at you?" nagtatakang tanong ni Deme sa kanya. Wala namang ibang tumatawag sa kanya ng Maria bukod sa kanya. Nagtataka kasi ito at napapansin rin niya ang pagtingin tingin ni Psyche sa best friend niya. Akala ni Samaria, siya lang ang nakahalata dito. Si Psyche kasi ang last subject nila ngayon at mukhang hindi lang si Samaria ang nakapansin na talaga namang kanina pa siya tinititigan ni Psyche. "H-Ha? Is he really staring at me? Parang hindi naman, e." Pagsisinungaling niya. Ayaw niya kasing pati si Deme, maghinala sa unti unting pagiging malapit nila sa isa't isa. "Are you blind? Can't you see? Tingnan mong maigi." Hinawakan pa nito ang pisngi ng dalaga. Umiwas lalo ng tingin si Samaria. "Alam mo, it is better if you just sleep, Demetre

