Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, Incidents, Characters, Places, Dates and Events mentioned in this story are purely based on Author's wild imagination. Any resemblance on actual person, actual events or dates are purely coincidental.
Copyright©️
All rights reserved.
————————
"HACIENDA VERGARA m******e KILLED DOZENS, CRIME OF THE YEAR"
February 18, 1992- One hundred eight people were killed in broad daylight in Hacienda Vergara, the victims were mostly farmers and workers, their corpses hastily buried in shallow graves—
"Ariah! Pinapakialaman mo na naman ang mga gamit ko!"
Sigaw ni mama habang pababa sa underground ng bahay namin. Dito niya kasi tinatago ang mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa trabaho niya.
Dali-dali kong tiniklop at binalik sa plastic folder ang lumang dyaryo na binasa ko.
"Ma naman! Naglilinis lang ako dito, maalikabok na kasi tsaka hindi ko pinapakialaman ang mga gamit mo, nililinis ko lang." Nakangisi kong sabi.
Bakas sa mukha ni Mama ang pagkairita, nakataas ang isang kilay niya na parang kontrabidang si Senyora.
"At kailan ka pa naging masipag sa paglilinis aber? At dito pa talaga sa underground? Pagbilang ko ng tatlo kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko, iisa isahin kong bubunutin yang buhok mo sa singit! Isa —"
Hindi pa natapos ni Mama ang pagbibilang eh kumaripas na ako ng takbo. Ikaw ba naman ang bubunutan ng buhok sa singit ang sakit kaya.
At dahil sa biglaang marathon ko ay nagtungo agad ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig.
My mind suddenly wanders at bigla kong naalala ang balitang nakapaloob sa lumang dyaryo.
Sobrang nakakagimbal ang pangyayaring iyon. Hindi tao ang gumawa nun kundi mga demonyo. Nadakip na kaya ang mga maysala?
Kulang na kulang talaga ang life imprisonment sa mga taong gumawa ng mga bagay na yun. Dapat bitay talaga, bitay ng patiwarik.
Hayy naku, umiiral na naman tong curiosity ko, bakit parang gustong gusto kong malaman kung ano ang mga nangyari at sino ang gumawa ng kagimbal gimbal na m******e sa Hacienda Vergara?
Kung magtatanong naman ako kay mama, naku paniguradong pagagalitan lang ako.
"Ariah, ilang ulit ko na bang sinabi sa iyo na ipinagbabawal ko ang pagpunta mo sa basement natin at lalong lalo na ang pangingialam mo sa mga nakatagong gamit doon. Anak, ayokong mangyari na ang curiosity mo ang magpapahamak sa iyo."
Mahinahong paalala ni mama sa akin habang papalapit sa kinaroroonan ko. Sinundan niya pala ako dito sa kusina.
Napahigpit ang hawak ko sa baso, hindi ko alam pero parang lumakas ang kabog ng dibdib ko pagkasabi ni mama na baka ang curiosity ko ang magpapahamak sa akin. Parang tama nga si mama, siguro babawas bawasan ko na ang pagiging pakialamera sa mga bagay na wala na mang kinalaman sa akin.
"Sorry ma, yes po sa susunod hindi ko na uulitin ang pag suway sa mga paalala niyo" Sagot ko kay mama habang niyakap ko siya ng mahigpit.
Sobrang swerte ko talaga sa mama ko, isa ako sa number 1 fans niya kaya gustong gusto kong sundan ang yapak niya.
Napangiti ako. Gusto ko ring maging isang prominent reporter tulad ni mama.
"Ma, nakalimutan ko palang sabihin sayo, bukas na ang unang araw sa internship ko. Excited na talaga ako ma, gusto kong maging isang sikat na journalist tulad mo pero ayokong mapansin o makilala dahil sa anak niyo po ako. Gusto kong makilala sa sarili kong sikap at kakayahan."
Tiningnan ko si mama at ngumiti ng pagkatamis tamis, someday I'll make you proud ma, kayo ni papa at Eya. I PROMISE..
"Anak, makinig ka. Hindi ko gustong matulad ka sa akin. Hindi na ba talaga magbabago ang gusto mo? Hindi mo alam ang gusto mong pasukan. Hindi madali ang maging isang journalist. Kung alam mo lang sana ang lahat lahat hindi mo gugustuhing maging katulad ko."
Biglang nag iba ang emosyon sa mukha ni mama, parang magkahalong kaba, takot at pag-aalala.
"Ma, alam ko ang lahat, sobrang hirap talaga maging isang journalist, kaya nga hinahangaan ko kayo dahil nag excel kayo sa larangan ng Journalism."
Bakas sa mukha ni mama ang galit at pagkadismaya. Hindi ko talaga ma gets si mama bakit ayaw niyang maging isang journalist din ako tulad niya. Noon niya pa sinasabi sa akin na ayaw niya na pumasok ako sa mundo niya. Hindi ko raw gugustuhing maging tulad niya kung alam ko lang ang lahat. Hayy naku ma, ano ba kasi yang lahat na hindi ko alam.
"Umakyat ka na sa kwarto, nananalaytay talaga sa dugo mo ang pagiging ..."
Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi ni mama dahil mabilis siyang naglakad palayo sa kinaroroonan ko. As usual ganito kami ni mama kapag nag open up na naman ako sa kagustuhan kong maging isang Journalist tulad niya.
Sarmiento Press Inc.
The most prestigious press company in the Philippines. This is one of my dream ang makapag trabaho sa kompanyang ito.
Based on my research, nasa pinaka tuktok ng building ang office ng CEO na si Sebastian Sarmiento ang Panganay na anak ng Prominent families na Sarmiento, ang kasalukuyang namamahala sa Sarmiento Press Inc.
Kilalang kilala ang pamilya nila sa ibat' ibang business maging sa ibang bansa. At hindi pa yan, maituturing na perfect family ang mga Sarmiento, they were also well known sa kanilang mga charities sa iba't ibang panig ng pilipinas.
Ano kaya ang feeling maging parte ng pamilyang to? Sobrang perfect na nila in terms of financial, mayayaman na pero sobrang humble at mababait pa.
"Ariah, hindi na ba talaga mapipigilan yang plano mo? Pwede namang sa ibang kompanya ka nalang mag trabaho."
Mahinahong wika ni Mama habang umupo sa kama.
"Ma, heto na naman tayo. Paulit ulit nalang. Ma, please ito yung pangarap ko. Supportahan mo naman ako please."
Nakakapagod na talagang makipagtalo kay mama, kailangan kong matulog ng maaga para fresh akong papasok sa first day ko sa aking internship.
Niligpit ko ang mga papers na may laman ng mga research ko about Sarmiento Family at Sarmiento Press Inc. mas mabuti ng may background ako sa kanila at sa kumpanyang papasokan ko.
"Good night ma." Walang gana kong sabi.
Deretso akong humiga sa malambot kong kama, wala akong pakialam kong nandiyan pa si mama. Nagtatampo ako sa kanya dahil hindi man lang niya magawang suportahan ang gusto ko, ang pangarap ko.
I heard the door close. Lumabas na si mama na wala man lang "Good night too, anak" gaya ng ginagawa niya tuwing matutulog na ako.
It took time bago ako dinalaw ng antok at dahil na rin siguro sa pagod ay kusa nalang tumiklop ang talukap ng aking mga mata. Then, darkness totally engulf my whole system.
SARMIENTO PRESS INC. MEETING ROOM NEWS SECTION
"Good morning everyone, my name is Edward Cortiz, ako ang head ng news team. Based on our informant may i- co-cover tayong crime ngayong araw. E-ready niyo na ang mga gamit, dapat tayo ang unang makakapunta sa crime scene before other news company. And by the way we have our new interns, Miss Ariah De Vera, Miss Tanya Cañete and Mr. Adrian Sandoval. Welcome to Sarmiento Press Inc. Let's all welcome them with a warm applause.
Maikling introduction ni Sir Edward. As usual, naka poker face parin. I wonder kung marunong bang tumawa ang lalaking to.
"Good morning po sa inyong lahat." Sabay- sabay naming bati sa lahat.
"It is an honor to become part of news team po sir" dagdag ko habang nakangiti ng pagkalapad lapad.
"Interns, this is your first assignment so break a leg." sir Edward seriously uttered.
—Okay, I think everyone and everything is all set now. Let's go. Baka maunahan pa tayo ng ibang news company."
He added with his usual cold tone voice.
We're ten in the team including Tanya and Adrian. Ano kayang klaseng crime ang una naming assignment? I'm super excited, totoo na talaga to, this is it na talaga, wala ng atrasan, sorry ma for being so stubborn.
"Ariah, Tanya and Adrian. Sa kotse ko na kayo sasakay ang iba ay sa van ng company sasakay."
Matipid na wika ni Sir Edward.
"Hi, I'm Tanya. It's so nice to work with you Ariah."
Nakangiting sabi ni Tanya habang nakalahad ang mga kamay.
"Nice meeting you Tanya, I'm sure magiging magaan ang trabaho ko with you. By the way, Ayah nalang ang itawag mo sa akin, hindi kasi ako sanay na may tumawag sa aking Ariah. Si mama lang kasi ang tumatawag sa akin ng pangalang yan, mostly of my classmates ay Ayah ang tawag sa akin."
Sabi ko while shaking hands with my new found friend and co-worker.
After some sort of chitchats,
sabay-sabay na kaming lumabas at sumakay agad sa sasakyan ni Sir edward habang ang iba ay sa designated van ng news team naman sumakay.
"We're now heading sa crime scene ng una naming magiging assignment. This is my first step sa pag-abot ko ng mga pangarap ko. Para sayo to ma."
Bulong ko sa sarili.
San Fernando Police Station
"Ikaw si Ka Pening diba? Ano ang dahilan bakit mo pinatay ang pamilya mo? Ano ang motibo mo sa pagpaslang sa kanila? Demonyo ka ba? Bakit mo yun nagawa sa sariling mong pamilya?!
Pabulyaw kong tanong sa kanya. Kanina pa mainit ang dugo ko, galit ako.. galit na galit. Medyo hindi pa ako naka recover sa nadatnan namin sa crime scene kanina. Wala ng buhay ang asawa niya na naliligo sa sariling nitong dugo at wala ng dila pati ang tatlong anak niya na pawang mga menor de edad pa at puno ng pasa ang mga katawan habang may laslas ang kanilang mga leeg.
Horrifying! Halos masuka narin ang mga kasama kong reporter kanina.
Nadatnan namin siya sa kwarto na nakatulala habang hawak hawak ang isang kutsilyo na ginawang weapon sa kagimbal gimbal na krimen. Puno ng dugo ang kanyang suot at hindi man lang pumalag nang pusasan siya ng mga pulis.
Tiningnan ko siya sa mata pero ang ikinagagalit ko ng husto ay wala man lang emosyon na makikita sa kanya. No remorse, regret or repentance. Demonyo.
"Alam mo bang para lang tayong mga piyesa ng chess na nilalaro nila."
Ngumiti ito ng mapakla at tumingin ng deretso sa mga mata ko. Isang titig na walang kabuhay buhay.
"Pasalamat ka at ikaw ang reyna sa larong ito. Nakadepende sa iyo kung magpapacheckmate at ibabagsak mo sila o ipagpapatuloy mo ang kasamaan na naghahari noon pa."
Dagdag niya. Mahiwaga. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Ramdam ko, ramdam na ramdam ko na totoo ang mga sinasabi niya. Pero, mamamatay tao siya hindi ko pwedeng paniwalaan ang mga sinasabi niya.
"Bakit mo sila pinatay? Bakit walang awa mo silang pinatay?"
Pag-iiba ko sa aming usapan. Dahil kapag pinatulan ko ang mga sinasabi niya ay wala itong maidudulot ng maganda.
"Katulad ka rin nila. Isa ka ring Demonyo!"
Bulyaw sa akin ni Ka Pening.
Ito ang huling sinabi niya sa akin bago siya tuluyang umalis at bumalik sa selda niya.
His words left me dumfounded.
Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya. Sinong nila ang tinutukoy niya? Baliw ba siya? Tsk! Siguro nga baliw na siya. Sino ba naman kasing matinong tao ang papatay sa sariling pamilya? Pero bakit parang iba ang kutob ko? Bakit parang may isang parte ng isip ko ang bumubulong na may dapat akong malaman?
"Aya! Ano ka bang babae ka kanina ka pa hinahanap ni Sir Edward. May nakuha ka na bang mga importanting detalye para sa gagawin nating news article?"
Tanong ni Tanya sa akin habang Nakapamewang.
"Ha? Ahh wala eh. Baliw ata si Ka Pening kung ano-ano ang sinasabi. Paano na to? Ito pa naman ang unang assignment natin. Anong gagawin natin?" Nag-aalala kong tanong kay Tanya.
"Ay naku huwag mo munang problimahin yan. First day pa naman natin eh. Halika na kanina pa tayo hinihintay ni Sir Edward sa sasakyan." Pagyayaya ni Tanya sa akin.
Pero hindi parin nawala sa isip ko ang huling sinabi ni Ka Pening sa akin. Anong nalalaman niya tungkol sa akin?
"Hoy! Aya. Bakit tulala ka? hindi ka pa nakakaget over sa nasaksihan natin kanina no?"
"Ah oo." Nauutal kong sagot kay Tanya. Dahil sa lalim ng mga iniisip ko hindi ko na tuloy namalayang nandito na pala kami sa parking lot.
"Aya..Tanya get in the car. Si adrian nasa van na sumakay, kanina pa sila umalis"
As usual cold na bungad ng head namin na si Sir Edward habang nakadungaw sa bintana ng kotse niya. Wala pa kasing Jowa kahit may edad na kaya palaging nakabusangot ang mukha, wala ata sa bokabularyo niya ang salitang smile.
"Alam mo si sir gwapo sana pero sobrang sungit. Ganyan siguro pag wala pang lovelife walang inspiration sa katawan."
Mahinang bulong sa akin ni Tanya. May pagka loka loka din talaga tong babaeng to.
"Manahimik ka nga baka marinig tayo ni Sir. First day na First natin baka bad record na kaagad tayo." Suway ko.
Tahimik at seryoso lang si Sir Edward sa pagmamaneho. Mabuti nalang at nanahimik na din tong katabi ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaisip sa mga nangyari, kanina nang madatnan namin si Ka Pening sa kwarto ng bahay nila ay parang wala ito sa sarili. Basa ang kanyang pisngi ibig sabihin ay umiyak siya ng mga panahong iyon. Kung siya ang pumatay bakit hindi siya tumakas? Bakit hawak niya pa ang kutsilyong ginamit niya para paslangin ang pamilya niya? Bakit hinayaan niyang dakpin lamang siya ng mga pulis ng ganoon kadali? Bakit hindi man lang siya pumalag?
Yung tingin niya sa akin kanina parang kilala na niya ako. Parang kilala niya na ang buong pagkatao ko pero hindi ko siya kilala. Arggh! Ang gulo na ng isip ko. First day ko pa, paano na kaya sa mga susunod pang mga araw? Ito na ba ang ibig sabihin ni Mama na ayaw niyang matulad ako sa kanya?