Ang kapalaran ko ay nasa kamay ni Rodes. At pinagpalit nya na ang mga baraha namin ni Pener.
" Kung anong maging resulta huwag kang gagawa ng ano mang kaguluhan!". - bulong saken ni rodes
Dahil napagpalit nya na ito sana ang nakataob na barahang ito ang makapagpanalo sakin kung hinde ay tatanggapin ko ang aking kapalaran. Dahil ang matapang na assasin ay handa sa kamatayan.
Dahan dahan kong binuklat ang baraha na pinalit ni rodes. ito ay haring Clover ngunit hinde ko alam kung ano ang kanyang baraha na maaring mas mataas sa aking baraha. Tila nakangiti ito siguro ay may panlaban ito. Ang nawala sa aking baraha ay alas na clover ito ang kapalit ng Haring clover na nasasa akin ngayon.
" UNO ! DOS! TRES!". - sigaw ng mga tao na nag bibilang sa pag baba namin ng aming mga baraha
" Ang nag wagi sa Huling Ranggo! walang iba kundi si ???". - tinignan namin ang mga baraha at ang baraha nya ay may tatlong alas . Ibig sabihin ay mataas pa rin ang aking baraha.
" ANG NANALO AY ANG NAG HAMON SA ATING KAMPYON !". -sigaw ng taga anunsyo.
Tuwang tuwa ang ilang tao sa paligid sa aking pag kapanalo ngunit ang aming kalaban ay tila binagsakan ng langit at lupa. Binuhat ng taga kolekta ang isang sakong ginto at ibinigay sa akin. Dahil ang kasunduan ay kailangan kong patayin ang kalbong alagad ni Pener. Hinila ito ng taga kolekta at hinihagis sa akin. Lumuhod ang lalaki sa aking harapan at nag mamakaawang wag kong kunin ang buhay nito.
" Nag mamakaawa ako sayo ginoo! May mga anak pa ako ginoo!". - pag mamakaawa nito sa akin, tumawa ako ng napaka lakas at tila nagtataka sila sa akin
" Hinde ako papatay ng buhay na hinde naman pumatay ng ibang buhay !! Kayat malaya kang mabuhay sa paraan na gusto mo !". - sabi ko at tumayo sya at niyakap ako dahil sa tuwa
Lumapit ako kay Pener at nakipagkamay dito.
" Maaring ito na ang huli nating pag kikita ngunit kapag nagkita tayo ay buhay mo na ang kapalit nito!". - sabi ko kay Pener dahil pakiramdam ko ay hinde sya pumunpunta dito para mag sugal kundi pumatay ng taong alam nyang mahina
" Hinde alam ang pakiramdam na matalo! Sisiguraduhin ko na kapag bumalik ka dito ay mapupug*tan ko ang iyong ulo! ". - sabi nya sa akin ngunit malabo itong mangyare dahil bago pa man nya gawin iyon ay uunahan ko sya.
Lumapit ako sa lalaking dayuhan ng Draculas
" Ginoong dayuhan! Maaring kumuha ka ng lalagyan?". - nagtataka ito sa aking sinabi at may lalaking nag abot sa kanya ng basket kinuha ko ito at sa harapan nila ay nilagyan ko ito ng ginto na halos punuin ang lalagyang iyon at ibinigay ko sa dayuhan. Sa di kalayuan ay sumenyas sa akin si rodes na tila sinasabing hihintayin
" Ngunit ginoo hinde mo na kailangan bigyan ako ng ganitong napakaraming ginto!'. - pagtanggj nito ngunit hinde ko ito pinansin at nag lakad na dala ang ginto palabas ng sugalan. At muling lumingon sa kanila. ," Kapag may magtangkang pag nakawan ka ! Sabihin mo sa akin ay papatayin ko!". - pananakot ko upang hinde rin sya lapitan ng masses many tao sa loob bang sugalan ng yon
Dala dala ko ang ginto at nakita ko ang tore na malapit na oras para bumalik. Ilang araw kaming mag papahinga sa gayon din ay makakpagplano ng pag takas. Hinde kakayanin ng kunsensya ko na maiiwan ang ibang alipin samantalang ako ay makakabalik sa independentas.
Nakita ko na si rodes sa may tore tiyak na sesermunan ako nito sa aking ginawang pagsusugal.
" Magpasalamat ka sa akin at hinde ka namatay dito! ". - bungad nya sa akin
" Huwag kang mag alala bibigyan kita ng mga gintong dala ko! ". - biro ko
" Hinde ko kailangan ng ginto! Hinde kana ulit babalik dito! Pakiramdam ko ay gumawa ka ng pangalan sa lugar na to Dahil sa pakikipaglaban sa dayuhang iyon! Kapag bumalik ka dito maaring makuha mo ang atensyon ng palasyo!". ,- sermon nito sakin
At may nakita akong mga nag titinda ng prutas. Malapit na itong mag sara dahil malapit na ang oras na ang lahat ng mamayan dito sa horudea ay kailangan ng bumalik sa kanilang mga tahanan.
" Bilhin ko na ang mga natitirang prutas !". - sabi ko at nagulat ito sa aking sabi
" nako ginoo! Salamat,! ". - sabi nito at umabot ito sa isang sako. Nagkakahalaga ang isang sakong prutas ng doseng ginto.
Dahil may buhat buhat akong ginto ay si Rodes ang pinabuhat ko.
" Kung alam ko lang na magiging ganito ay sana hinde na kita pinayagan na pumunta dito!". - reklamo nito
Nakarating na kami sa lagusan pabalik ng gintas. Ngunit may mga guwardiya ang nasa pinto. Pinagtago ako ni rodes sa madilim na sulok at linapitan ang mga guwardiya na naroroon.
" Ginoong rodes ? Anong ginagawa mo rito ng anong oras?". - tanong ng isang guwardiya kay rodes
" Naglalakad lang ako ngunit ang nakakapagtaka ay narito kayo?". - tanong nito kay rodes
" pinaguutos ito ng hari dahil may nakarating sa kanya na ang lagusan na ito ay pwedeng madaanan ng alipin mula sa gintas kahit na puno ito ng kandado!". - paliwanag ng guwardiya
" bumalik na kayo sa inyong tahanan alam kong pagod na rin kayo! Ako na ang mag babantay sa lagusan !". - sabi in rodes at laking tuwa naman ng mga guwardiya dahil makakapagpahinga sila.
Nang makaalis na ang mga guwardiya ay binuhat na ni rodes ang sako ng prutas. At pumasok na kami sa lagusan. Pag pasok namin ay naramdaman ko ang kalungkutan para sa mga alipin lalo sa mga nasaksihan ko sa kabilang haligi na nag hihiwalay sa dalawang uri ng mamayan.
Pabalik ng tahanan ay nagulat akong nasa labas si Hirae at tila hinihintay kaming makabalik. Pinasokni rodes sa tahanan ang mga prutas at pinasok ko na din ang mga ginto.
" mauna na ako dahil baka bumalik ang mga guwardiya ! Hinde kana pwedeng bumalik sa horudea maliwanag!". - sabi saken ni rodes
" Hinde ko maipapangako!". - sabi ko at umalis na ito
" Ginoo nag alala ako sayo ng sobra ! Akala ko hinde kana makakabalik dito ng buhay!". -sabi no hirae
" Akala ko rin ay hinde na ako makakabalik ng buhay ngunit may dala akong swerte ngayong gabi !". - sabi ko kay hirae at hinampas ako nito sa aking balikat
" Ano bang sinasabi mo nag aalala na nga ako sayo ginoo!".
" Tignan mo ang mga laman ng dala naming sako ! Siguradong matutuwa ka ! Yan sana ang kapalit ng aking buhay!". - sabi ko at dali dali nyang tinignan ang sako ng prutas.
," para sa prutas ?? Ipagpapalit mo ang buhay mo para sa prutas! At mabubulok din naman ang mga iyan !". - inis na sabi nito.
" Tignan mo ang isang sako!". - at pagbukas nya ng sako ay nagulat sya sa kanyang nakikita .
" Totoong ginto ba ang mga yan???". - gulat na gulat na tanong ni hirae
" Kumuha ka ng isang ginto at pukpukin mo ng bato upang malaman mo kung itoy tunay !". - sabi ko at ginawa nya naman ito kumuha sya ng isa at pinukpok ito ng bato.
" Tunay nga ginoo?! Saan naman galing ang napakaraming gintong yan? Wag mong sabihin na ? Ninakaw mo ang lahat ng mga yan ?". - sabi nito na tila pinagbintangan pa ako, kayat hinde ko mapigilang tumawa.
" Hinde ako magnanakaw kundi isa akong manunugis ! ". - sabi ko at lalong tumawa ng malakas at gulat na gulat ito saking sinabi
" Ginoo! Wag mong sabihin na nakipag p*****n kapa para makuha ang mga gintong yan? O pumatay ka ng maharlika? Nako ginoo!". - nasapo nya ang kanyang ulo dahil sa naiisip nito
" Isa nga akong assasin ngunit hinde ako pumapatay ng tao dahil sa simpleng dahilan . Ang pinapatay ko ay mga masasamang tao! Ang gintong yan ay nakuha ko sa isang pasugalan! Nanalo ako sa larong baraha buhay ko kapalit ng mga gintong yan! Nasusuklam ako na makita na ang pinaghihirapan ng mga alipin sa gintas ay kanilang winawaldas sa mga walang kwentang bagay. Ang ginto na pinaghirapan ng mga alipin ay sinusugal lamang ng mga ito! Kaya pinaghahanap tayo ng ginto ay para sa sariling interes ng kaharian. Dugo at pawis, gutom at buhay samantalang ang maharlika ay nag papakasasa.". - paliwanag ko at hinde makatingin sa mga mata ko si hirae
" pasensya na ginoo kung pinagjsjpian kita ng hinde maganda !". - sabi nito
" ayos lamang ! ang mga gintong yan ay ibibigay natin bukas upang hinde magtrabaho ang lahat ng alipin ! Dahil mag plaplano tayo ng pag takas dito sa gintas!". - sabi ko
" Ngunit paano tayo makakatakas sa mga malalaking pader na nakapaligid sa atin!". - tanong ni hirae
" May naiisip na akong magandang plano ngunit kailangan ko lahat ng tulong nyo!".
" Sino bang alipin ang ayaw sa kalayaan ?".
**to be continued**