"Hindi mo siya naririnig pero nakikita mo siya?" gulat na tanong ni Kiah kay Kyle na kinatango naman niya. Nasa apartment sila ni Kiah ngayon kasama si Lucy. Kasalukuyang nilang pinag-uusapan ang nangyari sa park. Lahat sila ay mga gulat sa mga nasaksihan. Si Kyle na hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na nakikita niya si Lucy na kung saan ay hindi kailan 'man siya nakakita ng katulad niyang kaluluwa. Si Lucy na hindi niya inasahan na pinsan ni Kiah si Kyle at tulad ni Kyle ay gulat 'din siya na nakikita siya nito ngunit ang mas kinabigla niya ay hindi siya marinig ng binata. Nakikita lamang niya si Lucy ngunit para itong nakamute sa tuwing nagsasalita siya. Ganon 'din si Kiah na nagulat sa mga nasaksihan. "Sino ba siya?" tanong ni Kyle kay Kiah na tinutukoy si Lucy na ngayon ay

