"Sa kaliwa" bigay ni Lucy sa direksyon kung saan ang apartment ni Kiah. Kabisado na niya ang bahay ng kaibigan niya kaya hindi na sila nahirapan ni Steve sa paghahanap dito. "Saan nga pala ang tatlo?" tanong ni Lucy at binigyan ng tingin si Steve na nagd-drive. "May pinuntahan" tipid na sagot ni Steve na kinatango ni Lucy. Habang abala si Steve sa pagmamaneho ng sakay nilang kotse ay palihim na binibigyan ni Lucy si Steve ng tingin. Hindi niya mapigilan na mapangiti sa tuwing napapatingin siya sa binata. 'Ang gwapo talaga ng isang 'to' Mestiso, matangos ang ilong, mapula ang labi, matangkad.. lahat na yata ng kagandahan sa pisikal na anyo ay tinatagalay niya. Pati ang pangangatawan niya ay hindi 'din nagpahuli. 'Paano kaya kung tuluyan niyang hubarin ang antipara niya?' Muling nap

