Lahat ng tao sa mansyon ay abala sa kanilang mga ginagawa. Malapit ng magsimula ang event na mangyayari sa mansyon ng Loiven kaya mas lalong naging abala ang mga katulong. Nanatili lang pinapanood ni Lucy si Steve na ngayon ay nakatingin sa salamin habang inaayos niya ang necktie niya. "Sinabi na ba sayo ng Lolo mo kung anong klasing party ang mayroon kayo ngayon sa mansyon niyo?" tanong ni Lucy sa kanya habang hindi pa 'rin niya iniiwas ang tingin kay Steve. "Wala. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang sabihin sa'kin. Mapati ang mga katulong ay walang alam" sagot ni Steve at lumapit kay Lucy. "Sigurado ka bang hindi mo birthday ngayon?" kunot-noong tanong ni Lucy na kinangiti ni Steve. "No, Sweetheart. Matagal pa ang birthday ko" mahinang sabi ni Steve at hinawakan ang mga kamay ni Lu

