Nakabusangot na pinanood ni Lucy si Steve na ngayon ay nagbabasa ng magazine sa labas ng kanilang mansyon na malapit sa pool. Habang pinagmamasdan niya si Steve ay biglang pumasok sa alaala niya ang binitawan sa kanya ni Edwin. 'Gusto ko na nga ba siya?' Pilit na hinahanap ni Lucy ang sagot sa kanyang tanong kung gusto na ba niya si Steve. Binalikan niya ang alaala niya noong una silang nagkita. Simula ng dumating si Steve ay marami ng nagbago sa kanya. Pinaramdam ng binata na hindi siya nag-iisa sa mundong ito dahil nakikita siya nito at nakakausap. Gumanda ang takbo ng buhay niya bilang kaluluwa ng makilala niya si Steve. Iba't ibang emosyon ang naramdaman niya na ni-minsan ay hindi niya ito naramdaman noong unang nagising siya bilang isang kaluluwa. Wala siyang matandaan sa kanyang

