"Kiah ikaw lang ba ang nakatira dito sa apartment na to?" tanong ni Lucy kay Kiah habang nakahiga siya sa kama ng dalaga. Katatapos lang maligo ni Kiah at kasalukuyang niyang sinusuklayan ang buhok niya habang nakaharap sa malaking salamin. Ilang araw ng nanatili si Lucy sa apartment ni Kiah. Inaya siya ng dalaga na sa kanya muna siya tumuloy hanggang sa hindi pa naayos ang problema ni Lucy kay Steve. "Oo, Hindi naman talaga sa 'kin ang apartment na 'to. Kay kuya 'to. Dito niya ako pinatira simula ng pumanaw ang mga magulang ko. Laking pasasalamat ko na hindi nila ako hinayaan ng pamilya niya. Hanggang ngayon ay sinusuportahan parin nila ako dahilan kung bakit naghahanap ako ng paraan para masuklian sila" ngiting sabi ni Kiah na kinatango ni Lucy. Alam na ni Lucy ang tungkol sa nangyar

